Jake Vargas retracts "it's complicated" joke about his love life

IMAGE Noel Orsal

"Wala yun, hindi yun totoo. Ano lang po yun, joke-joke lang," says Jake Vargas about his statement that his current love life is "complicated." The Kapuso actor says he enjoys his relationship with Inah de Belen.


Agad na binawi ni Jake Vargas ang biro niya tungkol sa status ng love life niya ngayon.

Matapos mag-perform kasama ang kapwa Kapuso artists na sina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Jeric Gonzales, at Hannah Prescillas sa ginanap na grand fans' day ng GMA Artist Center noong Biyernes, June 23, natanong si Jake kung kumusta na ang kanyang love life.

Natawa si Jake bago sabihing, “It's complicated.”

Pagkatapos ng programa, agad na kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Jake tungkol sa sinabi niya.

Noong mismong araw kasing iyon, lumabas ang balita sa PEP, kung saan sinabi ng girlfriend niyang si Inah de Belen na masaya ang relasyon nila ngayon ni Jake.

“Wala yun, hindi yun totoo. Ano lang po yun, joke-joke lang,” agad na sabi ni Jake tungkol sa nasabi niyang “it's complicated.”


Stories We Are Tracking

Inah de Belen reveals mom Janice likes Jake Vargas
Inah de Belen reveals mom Janice likes Jake Vargas

Pagkatapos ay sinang-ayunan niya ang pahayag ng girlfriend tungkol sa kanilang relasyon.

“Okay naman, masaya naman.”

Nagpahayag din ng kasiyahan ang Kapuso actor dahil aprubado sa nanay ni Inah na si Janice de Belen ang relasyon nila.

“Ang sarap ng feeling, kasi kahit papaano, tanggap din po ako ng mother niya.

"Para sa akin, malaking pagkakataon yun," sabi ni Jake.

May ilang beses na raw nilang nakakasama ni Inah si Janice.

Kamakailan nga ay kasama si Jake sa bakasyon ng pamilya ng girlfriend sa Boracay.

“Natutuwa naman po ako kasi, kahit papaano, tanggap naman po ako,” tila nahihiyang sabi ni Jake tungkol dito.


Stories We Are Tracking

Gardo involved in an accident on <em>Destined To Be Yours</em> set
Gardo involved in an accident on Destined To Be Yours set
Inah de Belen still hasn't introduced Jake Vargas to her dad
Inah de Belen still hasn't introduced Jake Vargas to her dad

Sa ngayon, mas gusto raw ni Jake na hindi masyadong nasasapubliko ang relasyon nila ni Inah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN