Angelica Panganiban, Alden Richards attend John Lloyd Cruz's birthday party

IMAGE Allan Sancon

John Lloyd Cruz celebrated his 34th birthday via an art-themed party and had a number of celebrity guests, including ex-girlfriend Angelica Panganiban and Kapuso star Alden Richards. 


Namataan sa birthday celebration ni John Lloyd Cruz ang dati nitong girlfriend na si Angelica Panganiban.

Sa ilang videos at pictures na in-upload sa Instagram, makikita ang aktres bilang isa sa celebrity guests.

Ginanap ang birthday party ni John Lloyd sa isang work studio sa Cubao, Quezon City,  nitong Sabado, June 25.

Ang aktuwal na ika-34 kaarawan ng Kapamilya actor ay June 24.

Dahil dito, lalong lumakas ang espekulasyong nagkabalikan sina John Lloyd at Angelica.

Bago ito, namataan ding magkasama ang dalawa nito lamang June 18, sa isang art fair sa Marco Polo Hotel, sa Ortigas.

Naiulat din ang pagpunta ni John Lloyd sa bahay ni Angelica noong Marso nang maghanda ang aktres para sa birthday ni Julia Montes.

Bago naman ito, namataan ding magkasama sina John Lloyd at Angelica sa isang art fair noong Pebrero.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz joins dinner at Angelica Panganiban's house
John Lloyd Cruz joins dinner at Angelica Panganiban's house
John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban spotted at an art fair
John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban spotted at an art fair

Lumabas ang balita tungkol sa breakup nina John Lloyd at Angelica noong January 2016, pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Samantala, bukod kay Angelica, dumalo rin sa birthday celebration ni John Lloyd ang ibang aktres na na-link sa kanya, kagaya nina Bea Alonzo, Maja Salvador, at Ellen Adarna.

Naroon din sa party ang mga aktor na sina Vhong Navarro, Kean Cipriano, at Joel Torre.

ALDEN RICHARDS. Namataan din ang Kapuso actor na si Alden Richards sa party ni John Lloyd.

Sa Instagram video na ipinost ng stylist na si Rex Atienza, makikita ang pagkakamayan nina Alden at John Lloyd.

Makikita rin kung gaano inasikaso ni John Lloyd ang Kapuso star sa pagdating nito.

Sa video ring ito, mahahagip si Angelica habang kausap ang beteranong aktor na si Joel. 

Art + Music + a lot of positive vibes = GREAT PARTY Happy birthday #JohnLloydCruz ?????????

A post shared by REX ATIENZA (@rexatienza) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN