Joshua Garcia afraid of being rejected by Julia Barretto

IMAGE Noel Orsal

What's the real score netween Joshua Garcia and Julia Barretto? Joshua says, "Siyempre lagi kaming magkasama, sobrang kumportable namin, pero kailangan mo pa rin talagang ligawan."


Nag-iipon muna raw ng lakas ng loob si Joshua Garcia bago tanungin ang kaparehang si Julia Barretto kung maaari niya itong maging girlfriend.

Paliwanag ng 19-year-old Kapamilya actor, “Yung mukha kasi ni Julia, pag tinanong mo, hindi mo ini-expect kung ano ang puwedeng sabihin niya.

“Ako, natatakot din naman ako ma-reject.

“Well, hindi ko sasabihing di puwede, kasi baka sabihin niya in maayos na way na lang na ganyan.

“Siyempre, natatakot din ako.

“Ipon muna ng lakas ng loob, tapos pogi points muna.”

Totoo bang “Babba” ang term of endearment nila ni Julia sa isa’t isa?

Pagkumpirma ni Joshua, “Yes, Babba, kasi alam ko kasi baby yun, e.

“Oo, ako nakaisip, tapos tinanong ko siya kung okay lang sa kanya.

“Nung pumayag, siyempre kinilig naman ako.

“Wala lang, siyempre lagi kaming magkasama, sobrang kumportable namin, pero kailangan mo pa rin talagang ligawan.”

Sabi pa Joshua tungkol kay Julia, “Hindi siya basta-basta… matalinong tao.

“Yes, special siya sa akin, sobra.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa set ng ASAP noong Linggo, June 25,

CONCERN FOR JULIA. Bago ang sorpresang dinner date ni Joshua kay Julia sa bahay ng young actress noong June 25, isang sulat mula sa binata ang ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram account na ikinakilig ng kanilang fans.

Naospital kamakailan si Julia dahil sa lagnat at ilang rashes na lumabas sa katawan ng aktres, at dito gumawa ng sulat si Joshua para sa kapareha.


Stories We Are Tracking

Joshua's sweet message to Julia brings kilig to fans
Joshua's sweet message to Julia brings kilig to fans
Joshua Garcia surprises Julia Barretto with dinner date
Joshua Garcia surprises Julia Barretto with dinner date

Ipinaliwanag ni Joshua kung bakit niya naisipang sulatan si Julia.  

Saad niya, “Kasi masama ang pakiramdam niya, parang gusto ko lang gumaan ang pakiramdam niya.

“Ayoko naman na masama na nga ang pakiramdam niya, kung anu-ano pa ang gagawin ko.

“Naisip ko, pagaanin ko.”

Dagdag ng former Pinoy Big Brother: All In housemate, “Overfatigue kasi sa trabaho, nagkaroon ng rashes yung buong katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung una, tumama, tapos nawala, tapos tumama uli.

“Allergy, humina ang immune system niya.”

Bakit idinaan niya sa sulat, at hindi na lang sa text o tawag sa telepono?

Paliwanag ni Joshua, “Text kasi, normal nang ginagawa.

“Tawag naman, pangit, hindi mo nakikita.

“Ang masarap sa sulat, kapag ibinigay mo sa kanya at binasa niya, kita mo talaga ang reaksiyon niya habang binabasa niya.

“Yun ang masarap sa pakiramdam. Nakita ko na napasaya ko siya, nakita ko na sobrang na-appreciate niya.

“Masaya ako kasi ganun ang nangyari.”

THE LETTER. Inamin ni Joshua na may ilang bahagi ng sulat ang nanggaling sa kanya, pero may ilang parte nito ang kinuha niya sa Google.

You sure do know how to make a sick girl's bad day a good one.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

“Yung unang ano dun, naisip ko yun, yung spare something, pero yung mga hospital, kinuha ko siya sa Google.

“Nakita ko kasi na, okay, eksakto ito, kasi nasa hospital siya.

“Ang ano lang naman diyan, gusto mo lang mapasaya yung babae, wala ka namang intensiyon na kaya mo kinuha sa Google.

“Gusto ko lang talaga siya mapasaya. Yun lang naman yun.

“Tsaka inamin ko naman dun sa letter na kinuha ko.

“Hindi ako puwedeng magsinungaling kay Julia, napakabait na tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN