Neil Arce to Angel Locsin: "There will never be anyone like you."

IMAGE Instagram (@ericjohnsalut, @neil_arce)

Film producer Neil Arce posted another sweet message for rumored girlfriend Angel Locsin on Instagram.


Idinaan ng businessman at film producer na si Neil Arce sa social media ang kanyang papuri para sa rumored girlfriend na si Angel Locsin.

Nagsimula ito nang mag-post ang aktres sa Instagram ng photo collage ng mga karakter na ginampanan niya sa pelikula at telebisyon, na itinuturing niyang "legacy."

Kabilang dito ang pelikulang Let The Love Begin (2005), at mga teleseryeng Mulawin (2004), Darna (2005), Lobo (2008), Imortal (2010), at La Luna Sangre (2017).

Ang La Luna Sangre ay ang ongoing ABS-CBN primetime series na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nagkaroon ng special roles sina Angel at John Lloyd Cruz sa pilot week nito.

Sa comments section ng post ni Angel, nag-iwan ng “sweet” message si Neil para sa aktres.

Sabi niya" “They can remake all your shows but there will never be anyone like you.”


Sumagot naman si Angel at ibinuking na kinulit siya ni Neil na basahin ang iniwang komento nito.

Sabi ng Kapamilya actress: @neilarce ah kaya pala nangungulit na silipin ko yung comment mo. May ka-sweetan pala, hahaha!”


Hindi ito ang unang beses na idinaan ni Neil ang kanyang “sweetness” para kay Angel via social media.

Ilang linggo na ang nakararaan, nag-post din si Neil sa Instagram ng ID picture ni Angel at nilagyan niya ng caption na: “You don’t need to wear a costume to be a superhero.”

Nag-volunteer kasi si Angel na pumunta sa Iligan City upang bisitahin ang evacuees ng giyera sa Marawi City.

You don't need to wear a costume to be a super hero :) ????????

A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on


Abril ng kasalukuyang taon nang maiulat na may espesyal na namamagitan kina Angel at Neil, lalo na’t nagkasama ang dalawa sa Hong Kong noong Holy Week.

Hindi rin mapaghiwalay ang dalawa sa birthday celebration si Angel noon ding Abril.


Stories We Are Tracking

Is Angel Locsin dating Bela Padilla's ex-boyfriend?
Is Angel Locsin dating Bela Padilla's ex-boyfriend?
Angel Locsin and Neil Arce inseparable at her 32nd birthday
Angel Locsin and Neil Arce inseparable at her 32nd birthday


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN