Ganiel Krishnan clears Nadine, Sarah, Yassi on Miss Manila 2017 dressing-room issue

IMAGE @KrishnanGaniel on Twitter

Ayaw pangalanan ng beauty queen at courtside reporter na si Ganiel Krishnan kung sino ang "actress" na kanyang tinutukoy na ayaw raw maki-share ng dressing room sa kanya noong Miss Manila 2017 coronation night. Hindi naman daw ganun kalaki ang pangalan ng aktres kaya "let it go na lang."


Usap-usapan ngayon sa social media ang magkakasunod na tweets ng courtside reporter na si Ganiel Krishnan.

Ito ay may kinalaman sa naging karanasan niya bilang anchor sa grand coronation ng Miss Manila 2017 noong Linggo, June 26.

Sa kanyang series of tweets kahapon, June 27, sinabi ni Ganiel na sinigawan diumano siya ng isang “actress” na ayaw maki-share ng dressing room sa kanya.





Kahit natakot sa inasal ng nasabing “actress,” pumasok pa rin si Ganiel sa kuwarto upang kunin ang kanyang mga gamit.

 


GANIEL CLEARS NADINE, YASSI, SARAH G., AND SARAH L. Si Ganiel ay isa ring beauty queen.

Naging 2nd runner-up siya sa Miss Manila 2016 at itinanghal ding 2nd runner-up sa Miss Asia Pacific International 2016.

Bilang dating kandidata ng Miss Manila, isa si Ganiel sa nagsilbing anchor sa pageant ngayong taon, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), sa Pasay City.


Ngunit hindi naging maganda ang kanyang karanasan, kung saan kusa raw siyang umalis sa dressing room dahil ayaw maki-share sa kanya ang isang "actress."

Hindi pinangalanan ni Ganiel kung sino ang aktres na tinutukoy niya.



Agad namang nag-isip ang ilang netizens na baka isa sa Viva talents ang kanyang tinutukoy, dahil ang Viva Live ang nagsilbing producer ng coronation night.

Kabilang sa mga ito ang host na si Yassi Pressman, ang judge na si Nadine Lustre, at ang performers na sina Sarah Geronimo at Sarah Lahbati.

Ngunit ayon kay Ganiel, wala sa mga nabanggit na personalidad ang kanyang tinutukoy.

Lahat daw ng mga nabanggit ng netizens ay maayos ang pakikitungo sa kanya.

Dagdag pa ni Ganiel, hindi naman ganun kalaki ang pangalan ng “actress” na tinutukoy kaya ayaw na niyang magbigay ng anumang clue sa pagkakakilanlan nito.


May ilan ding nagsabi na baka ang pinatatamaan niya ay si Ella Cruz, na isa rin sa naging performer sa Miss Manila 2017 kasama ang ka-love team nitong si Julian Trono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtanung-tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang production staff ng Miss Manila 2017 kaugnay ng tweets ni Ganiel.

Ngunit ayon sa aming nakausap, hindi nila alam ang pangyayari at kung sino ang nakasamang "actress" ni Ganiel sa dressing room.

Wala pa ring sagot si Ganiel tungkol dito.

Nagpadala na rin ang PEP ng mensahe kay Ella upang kunin ang kanyang panig sa isyung ito.

Samantala, dahil sa pagkakadawit ng pangalan ni Nadine Lustre, mukhang may nang-bash kay Ganiel at bigla itong nag-private ng kanyang Twitter account.

Kahapon, June 27, naka-public pa ang account ng courtside reporter ng ABS-CBN Sports & Action.

Mananatiling bukas ang PEP sa maaaring ihayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN