Sanya Lopez on Rocco Nacino as potential BF: "Kung ikaw man yun, please be careful with my heart."

IMAGE Noel Orsal

Sanya Lopez on real score with Rocco Nacino: "Nandun kami sa level na sobrang close to the point na nagkukwentuhan kami about sa mga secrets namin. Nandudun kami sa nagsi-share kami ng problema, nagtutulungan kapag may problema, nandun pa lang."


Nilinaw ni Sanya Lopez na hindi siya nililigawan ni Rocco Nacino kahit na kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

“Sa ngayon po kasi, parang hindi pa po kami papunta dun,” direktang pahayag ng Kapuso actress.

“Ang gingawa namin, sobrang close po kasi kami, kaya madalas napagkakamalan kaming nagliligawan, madalas napagkakamalan kaming kami na.”

Pero aminado siyang taglay ni Rocco ang mga katangiang hinahanap niya sa isang potential boyfriend.

Saad ni Sanya, “Boyfriend-material po talaga siya.

“Nakita ko kung gaano siya mag-alaga, hindi lang po sa amin, kundi sa magulang niya.

“Nakita ko kung paano niya i-care yung mommy niya, lalo na every Sunday, kapag nagsi-share siya ng mga sinasabi niya.

“So, nakikita ko naman po na kapag mahal mo yung magulang mo, kaysa sa iba, mas boyfriend-material para sa akin.”

Inihayag ito ng 20-year-old Kapuso actress sa presscon ng Haplos, ang upcoming afternoon drama series na pagtatambalan nila ni Rocco pagkatapos makilala ang kanilang love team sa sikat na fantaseryeng Encantadia.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center, Martes ng gabi, Hunyo 27.

COMFORTABLE WITH ROCCO. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilarawan ni Sanya kung gaano kapalagay ang loob niya kay Rocco.

“Nandun kami sa level na sobrang close, to the point na nagkukuwentuhan kami about sa mga secrets namin.

“Nandudun kami sa nagsi-share kami ng problema, nagtutulungan kapag may problema, nandun pa lang.”

Pero dahil na rin no-boyfriend-since-birth (NBSB) si Sanya, ayaw raw niyang basta na lang pumasok sa isang relasyon.

“NBSB ako, hindi pa talaga ako napu-fall.

“Mas priority ko siguro talaga ngayon kung anong meron ako, siyempre yung work ko.

“Siguro takot lang ako mahati yung focus at attention ko.”

Kung si Rocco ang magiging boyfriend niya, may takot pa rin siya?

Giit ni Sanya, “Sa ngayon, parang ang hirap pong ipasok po talaga yung relasyon kapag meron kang ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro darating din tayo sa point na magkakaroon.”

Nakangiting sabi ni Sanya kay Rocco, na nasa tabi ng dalaga sa parehong panayam, “Kung ikaw man yun, please be careful with my heart.”

Ayon pa sa Kapuso actress, ayaw niyang bigyan ng malisya ang pagiging maalaga ni Rocco sa kanya.

“Hindi ko pa nararamdaman yun.

"Siguro nangyayari lang na sweet siya sa akin, at hindi lang naman siya sa akin ganun.

“Ganoon din siya sa ibang cast sa Encantadia. Sa ibang girls na nakasama ko dun, ganun din yung gestures niya.”

Anu-ano ba ang katangiang hinahanap niya sa kung sinumang una niyang maging nobyo?

Sabi ni Sanya, “Siguro kapag magkaroon na ako ng boyfriend, gusto ko yung mapagmahal, gentleman, nire-respect ako.

“Siguro yung marunong maghintay, tsaka mahaba rin yung pasensiya.

“Kasi sometimes, pag nawawala yung pasensiya mo sa isang tao, naghahanap ka na ng iba.

“At yung masaya siya para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN