Does Alessandra de Rossi choose men based on their looks?

IMAGE Noel Orsal

Do looks matter to Alessandra de Rossi when it comes to love? She answers, "Siguro kung nakita niyo naman ang history ng mga naging boyfriend ko, iba-iba talaga."


Tawang-tawa raw si Alessandra de Rossi nang una niyang malaman na ang makakapareha niya sa pelikulang Kita Kita ay ang komedyanteng si Empoy Marquez.

“Sobrang na-touch ako na first kong romantic movie, tapos ang leading man ko, si Empoy.

“Nakakaiyak yung feeling, iyak na iyak ako. Hindi siya tears of joy, pero naiyak ako.

"At least may emotion akong nararamdaman, thank you, Empoy, sa chance,” pabirong pahayag ni Alex sa press conference ng pelikula.

Ginanap ito kahapon June 27, sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Kung sakali kaya, may pagkakataong maging interesado rin si Alex sa tulad ni Empoy sa totoong buhay?

Sagot ng aktres, “Alam niyo, kung hindi naman siya late sa taping namin araw-araw, okay naman ako. Kaso, talagang hindi. Charot!”

NOT AFTER THE LOOKS. Base raw sa mga nakaraang relasyon niya, mapapansin na hindi naman ang hitsura ang kanyang basehan para mahalin ang isang tao.

Ani Alessandra, “Ako pa ba?!

“Siguro kung nakita niyo naman ang history ng mga naging boyfriend ko, iba-iba talaga.

“History, siguro mga tatlong books yun. Iba-iba naman ang hitsura.

“Hindi ako tumitingin [sa hitsura].

“Yung last ko, ngayon ko lang aaminin, pero parang walang gulo, Piolo Pascual, two months lang kami.

"Sorry, inamin ko na para ma-boost ang career ko nang kaunti.”

Si Piolo ay isa sa producers ng Kita Kita.

Diin ng aktres, “Parang hindi naman ako naniniwala na tumitingin sa hitsura dapat.

“Ako, tinitingnan ko talaga, brain. As in nai-in love ako sa brain ng isang tao, puso, ganyan.”

Ilan sa celebrities na napabalitang nakarelasyon ni Alessandra ay sina Oyo Sotto, Polo Ravales, at Jeremy Marquez.

Huli siyang na-link kay Sid Lucero.

Sa ngayon, sabi ni Alex, para siyang karakter lang niya sa Kita Kita pagdating sa pag-ibig.

“Yung sinasabi nilang love is blind, totoo yung sinasabi nila. Wala talaga akong makita sa love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaka-relate daw si @alessderossi sa character niya sa Kita Kita pagdating sa love:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

ROM-COM WITH EMPOY. Ikinuwento ni Alessandra na agad niyang nagustuhan nang malamang si Empoy ang makakasama niya sa pelikula.

“Sobrang okay ako,” aniya, "kasi kung like si John Lloyd Cruz, baka mas maganda pa siya sa akin.

"Baka magmukhang Maid in Manhattan ang concept.

“Okay ako, at least doctor, tapos pasyente.”

Ayon sa kanilang direktor na si Sigrid Andrea Bernardo, inilarawan ng kanilang producer bilang “rom-com ng mga pangit” ang Kita Kita.

Pabiro naman itong sinang-ayunan ni Alessandra na sinabing, “I'm just here to support,” habang nakatingin kay Empoy.

Dagdag na sabi pa niya sa entertainment reporters, “Noong ginawa namin 'to, yun ang plano namin, ang pabagsakin ang mga rom-com. Parang nagtatagumpay kami.”

Ang love team na di mo inakala, #AlEmpoy of Kita Kita movie showing on July 19.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nang tanungin kung ano ang lamang nila sa kilalang love teams ngayon, sagot ni Alex, “Siyempre, sanay tayo sa love teams na Papa P levels.

"Kayo lang ba ang may karapatang magmahal?

“Ano ang problema niyo sa babaeng hindi nagsusuklay? Bakit hindi kayo nai-in love sa kanya? Dahil ba hindi siya nagsusuklay?

“Yun ang gusto naming patunayan ni Empoy. No-makeup look, no blower, no veneers, no boob-job, no blonde hair, just the way that I am.”

@alessderosdi and @juliusempoy talk about their movie Kita Kita.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN