Francine Prieto hopes travel ban against American husband will be lifted

IMAGE Francine Prieto Instagram / Noel Orsal

Francine Prieto on travel ban against her American husband: "Mahal na mahal po niya ang Pilipinas, sobrang mahal na mahal po niya. Kaya nga sobra po yung pagkakadismaya niya na ito ang nangyari sa kanya."


Nananalig ang aktres na si Francine Prieto na mali-lift ang blacklist order laban sa kanyang American husband na si Frank Arthur Shotkoski, matapos itong ma-deport pabalik ng Singapore dahil sa pagmumura nito sa isang immigration officer noong Linggo ng madaling-araw, June 25.

Matatandaang inilahad ni Francine sa kanyang social media accounts ang nangyari sa asawa, na na-detain sa Immigration office ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Galing ng Singapore si Arthur noong araw na iyon.

Nang bababa na ito sa may escalator, nalaglag ito at nagtamo ng sugat.

Dahil dito, nagalit ang mister ng aktres at nakapagmura ito sa isang airport staff dulot ng kawalan diumano ng babala na hindi gumagana ang naturang escalator.

Nanawagan naman si Francine sa followers niya sa social media kung maaari siyang hanapan ng lawyer na makakatulong sa kaso ng kanyang mister.

At ngayon ay nakahanap na ng abugado ang mag-asawa sa katauhan ni Atty. Raymund Fortun.


Stories We Are Tracking

(UPDATED) Francine Prieto's husband held at NAIA for cussing
(UPDATED) Francine Prieto's husband held at NAIA for cussing

Lahad ni Francine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung nangyari sa asawa ko yun, Sunday morning na siya, tapos weekend pa. 

“Sobrang minalas lang talaga siya.

“So, kanina [June 27] lang talaga kami nakapunta ng Bureau of Immigration, kasama yung lawyer ko.

“At bukas [June 28], darating naman doon… pupunta yung lawyer ko para magpasa ng apology letter ni Frank at request para po matanggal yung pagiging blacklist niya sa Philippines.”

Ayon pa sa aktres, “Kasi, more than 20 years na po siyang nagpupunta rito sa Pilipinas, wala naman po siyang criminal record anywhere in the world. 

“Talagang naaksidente lang po siya, yun po talaga ang naramdaman niya nun.

“Pero siyempre, kahit sabihin nating naaksidente siya, may na-offend po siyang tao, lalo na mga immigration officers.

“Kaya sobra po siyang nag-apologize.

“Sabi naman niya sa akin, nag-apologize na siya sa kanila, pero too late na dahil iba na yung mood, nagkagulo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero willing po siyang bumalik at mag-apologize personally po sa lahat ng mga na-offend niya nung mga oras na yun.”

Ayon kay Francine, may ilang kaibigan siyang nagsabing idemanda ng mister niya ang pamunuan ng NAIA Terminal 2 dahil sa kapabayaan ng mga itong bigyang babala ang kanilang mga pasahero upang maiwasan ang aksidente.

Pero wala raw sa payoridad ito ng aktres.

“Mas pinili ng husband ko na huwag na lang. 

“Ang importante po sa kanya na parang… nagkamali rin po siya, mali po yung ganun.

“Kasi hindi rin naman niya ugali yung ganun, nabigla rin naman siya.”

Nakapanayam ng PEP si Francine matapos ang presscon proper ng bagong teleserye ng GMA Network, ang Haplos, na pagbibidahan nina Rocco Nacino at Sanya Lopez.

Ginanap ang presscon nitong Martes ng gabi, June 27, sa 17th floor ng GMA Network Center, sa may Timog Avenue, Quezon City.

THE INCIDENT. Muling inilahad ni Francine sa PEP ang panig ng kanyang mister sa nangyaring insidente.

“Siya yung unang pasaherong lumabas ng eroplano sa Terminal 2, tapos bumaba siya. 

“So, 11:55 P.M. [ng June 24] yung dating niya galing Singapore. 

“So, nakita niya yung escalator, wala namang harang o sign kung anuman. 

“Akala niya na yung escalator na automatic, na pagsakay mo, umaandar.

“Kaso, nung pagsakay niya, hindi. 

“Kasi may dala-dala siyang bagahe. Nadulas siya…

“Ngayon lang siya nakaramdam ng ganung klaseng aksidente. 

“Masakit yung katawan niya, tapos nakita niya may dugo siya.

“Kaya yung emosyon niya nung mga oras na yun, nagalit siya.”

Patuloy na lahad ni Francine, “Tapos meron doong employee ng terminal, doon niya nailabas yung galit niya.

“Sinabi niya na, ‘Bakit hindi kayo naglalagay ng sign?’

“Siyempre may kasama nang mura yung mga sinabi niya.

“Siyempre, na-offend yung tao. 

“Tapos may isa pang pasaherong Pinoy na dumadagdag din po sa galit na niya, nagsasabi naman pong ‘Kayong mga foreigner, wala kayong galang sa Pilipinas.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Asawa ko, Pilipina…’ Siyempre, yung mood, hindi na maganda.”

Nagkataong ang minura ng mister ni Francine ay isa palang immigration officer.

Dahil sa nangyari, pinatawan ng parusang exclusion ang mister niya ng Bureau of Immigration ng Pilipinas.

“Ibig sabihin,” ayon kay Francine, “hindi ka makakapasok ng Pilipinas, blacklist ka, kailangang bumalik ka sa airport kung saan ka galing.  

“Pero ang tanging makakapagpabalik sa iyo, yun nga po yung request na matanggal ka sa blacklist at mapatunayan kung anong klaseng tao ka ba.”

Ayon pa sa aktres, “Twenty-plus years siyang nagpapabalik-balik sa Pilipinas.

“So, first time lang itong nangyari sa kanya.”

HER HUSBAND LOVES THE PHILIPPINES. Ginamot naman daw ng medical team sa airport ang natamong sugat ng mister ni Francine matapos ang insidente. 

Pero hanggang ngayon, masakit pa rin daw ang katawan nito dulot ng pagkakadulas.

Ayon kay Francine, “Hindi na importante sa kanya yung sakit ng katawan niya.

"Ang importante sa kanya, makapag-apologize siya nang personal doon sa lahat ng mga na-offend niya, lalo na doon sa mga immigration officers, at matanggal yung blacklist niya.

“Lalung-lalo na ngayon. Kasi scientist siya, molecular biologist siya. Ang field niya, agriculture. 

“Meron siyang malaking project na sisimulan sa Pilipinas na makakatulong sa farmers.

“Naniniwala nga sila ng grupo niya na they can eradicate poverty through science, tapos biglang ito po ang nangyari sa kanya.”

Diin ng aktres, “Aksidente lang po talaga.

“Mahal na mahal po niya ang Pilipinas, sobrang mahal na mahal po niya. 

“Kaya nga sobra po yung pagkakadismaya niya na ito ang nangyari sa kanya.

“Sa dinami-dami ng puwedeng mangyari sa kanya, eto pa po ang nangyari sa kanya, na hindi natin maiiwasan.”

Bago pa mangyari ang aksidente, plano na raw ng asawa ni Francine na magtagal sa bansa at dito na mag-concentrate sa kanyang project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN