Claudine Barretto lashes out at newly adopted daughter's basher

IMAGE Noel Orsal

Hindi pinalagpas ng aktres na si Claudine Barretto ang isang basher na tumawag ng "panget" sa bago niyang ampon na anak. Tinawag niya ang basher na may sakit sa pag-iisip sa pangba-bash sa isang two-year-old child. 


Ikinagalit nang husto ni Claudine Barretto ang paglait sa hitsura ng isang netizen sa kanyang bagong ampon na anak.

Ibinahagi ni Claudine ang nasabing negatibong komento  ng basher, na nagngangalang Peggy Enriquez, sa kanyang Instagram ngayong Miyerkules, June 28:

“To my Palanggas & Claudinians, I just saw this message today from this heartless person named PEGGY ENRIQUEZ BASHING MY DAUGHTER. If anyone knows this stupid person pls. let me know where I can contact her.

“Mess with my kids, you messed with me! ANO BANG GINAWA NG ANAK KONG 2 years old na si Quia sayo PEGGY ENRIQUEZ?”

Akala ng ibang followers ni Claudine ay ang panganay niyang si Sabina ang sentro ng panglalait ng basher.

Ngunit paglilinaw ng aktres, ang tinutukoy ng basher ay ang bago niyang ampon na si Quia, dalawang taong gulang.



Kasunod nito, binuweltahan ni Claudine ang basher:



Dagdag pa ng aktres, kakarmahin din daw ang basher balang-araw. 


Hindi naman nakalimutang magpasalamat ni Claudine sa mga dumepensa sa kanya.


 

Sa ikalawang post ni Claudine, sinabi niyang dapat daw ay sabihin ito sa kanya ng basher nang harap-harapan.

Duda pa niya, mukhang may sira sa pag-iisip si @enriquez.peggy.


#STOPTHEHATE. Sa isa pang post ni Claudine, hinamon niya ang basher na gawing public ang profile niya.

Saad niya, "@enriquez.peggy dont hide.make ur IG account PUBLIC! INAANO KA BA NG ANAK KONG 2 YEARS OLD. QUIA IS ONLY 2 ibabash mo?"

@enriquez.peggy dont hide.make ur IG account PUBLIC! INAANO KA BA NG ANAK KONG 2YEARS OLD.QUIA IS ONLY 2 ibabash mo?

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Nakiusap din siyang huwag laitin ang mga bata dahil blessing daw ito mula sa Diyos.


Kung bibisitahin ang Instagram ng basher, binura na nito ang kanyang account.


Pero hindi pa rin ito nagpaawat.

Bago nito binura ang account, humabol pa ito ng komento sa post ni Claudine:


Kaya naman nanawagan si Claudine sa kanyang followers ng karagdagang impormasyon tungkol sa basher:

"Eto pa Peggy. If anyone knows how to contact this Peggy Enriquez na nagtatago na ngayon pls let me know. If u know any info about this girl pls. let me know. Thank u & Godbless"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN