Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez dismisses issue with Karla Estrada

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Usap-usapan ngayon na si Karla Estrada (kaliwa) ang balak itapat ng mga kalaban sa pulitika ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez (kanan) sa susunod na eleksyon. Ano kaya ang masasabi ni Cristina tungkol dito?


Nilinaw ni Tacloban City mayor at dating aktres na si Cristina Gonzales-Romualdez ang balitang may isyu umano sa pagitan nila ni Karla Estrada.

Ito ay dahil sa balitang ang ina ni Daniel Padilla ang balak itapat sa kanya ng mga kalaban niya sa pulitika sa susunod na eleksyon.

Si Karla ay tubong-Tacloban, Leyte.

“Hayaan mo na lang,” ang sagot ni Cristina nang tanungin tungkol dito.

Ayon pa kay Cristina, nagkausap sila ni Karla kamakailan lang at okey sa kanyang kumandidato ang kapwa aktres bilang mayor ng Tacloban City.

“Nung isang araw, kausap ko siya.

"I met with Karla here, sa Royal. Birthday niya yun, e.

“Oo naman, we're okay, for me.

“Grabe naman! Kailan ba ako nagkaroon ng kaaway sa showbiz? Wala yata.

“At saka yung kalaban namin talaga, laging naghahanap ng parang kumalaban sa Romualdez, parang ganoon sila.

“Alam na ng mga tao yun. The people here know that.

“They know naman who's really helping them.”

CRISTINA VS KARLA? Paano nga kung kumandidato nga si Karla na mayor ng Tacloban City?

Sagot ni Cristina, “If I run, but what if my husband runs?”

Ang mister ni Cristina na si Alfred Romualdez ang dating mayor ng Tacloban City.

Dagdag ng former actress, “Okey lang. Di ba nga, si Ted Failon nga noon tumakbo rin? Okey lang yan.”

Si Ted Failon ay tumakbo bilang congressman ng First District ng Leyte noong 2001. Tinalo niya ang incumbent congressman na mula sa Marcos-Romualdez clan.

Ayon pa kay Cristina, “In our case naman, hindi kami basta sumulpot sa politics, di ba?

“I was councilor for nine years before I attempted to even run for mayor.

“Usually, they like you to go up the ranks also. So, nag-start muna ako as councilor.

“Kumbaga, hindi naman ako tatakbo ng mayor kung hindi ako nag-councilor muna.

“And my husband as well is also experienced.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“His dad, you know, is, like, guiding him also… training.

“But that's how politics is, it makes it fun. It's not boring.”

Iginiit ni Cristina na ayaw niyang may mga kaaway sa pulitika. Mas mahalaga raw sa kanyang magampanan ang mga responsibilidad niya bilang public servant.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN