Kim Domingo places second in FHM Sexiest Women list: Nadine Lustre deserves to be number one

IMAGE Noel Orsal

Wala raw naramdamang kalungkutan si Kim Domingo kahit pumangalawa lamang siya sa 2017 FHM 100 Sexiest Women in the Philippines poll. Deserving naman daw ang nanalong si Nadine Lustre sa titulo. 


Masaya pa rin ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo kahit pumangalawa lamang siya sa Kapamilya star na si Nadine Lustre sa FHM Sexiest Women 2017 poll.

Ayon sa D' Originals star, “Ako po, unang-una, wala po akong, kumbaga, sama ng loob or kalungkutan na naramdaman.

"Kasi, unang-una, lahat naman po tayo meron naman po tayong definition ng sexy.

"At iba-iba po yung opinyon ng tao, at yun nga yung definition nila ng sexy."

Base sa resulta ng botohan para sa 2107 FHM Sexiest Women, limang Kapuso stars at limang Kapamilya actresses ang nakapasok sa Top 10.

Bukod kay Kim, pasok din sa listahan mula sa GMA-7 sina Rhian Ramos, Jennylyn Mercado, Maine Mendoza, at Solenn Heussaff.

Mula naman sa ABS-CBN, nakasama sa listahan sina Jessy Mendiola, Ellen Adarna, Angel Locsin, at Liza Soberano.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre is FHM Sexiest Woman 2017
Nadine Lustre is FHM Sexiest Woman 2017

Dagdag pa ni Kim, “Ako naman, I think Nadine, deserving naman po na mag-number one.

“Ako naman po, kung anuman po yung kalabasan nung 100 Sexiest, okay lang po sa akin.

“Ako, first-timer before, last year po, number 9 na ako kaagad.

"Ngayon, number 2, so malaking bagay na po yun sa akin.”

Thankful daw si Kim sa FHM dahil malaki ang naitulong nito sa kanyang karera.

“Malaki po ang parte ng FHM sa buhay ko.

"Before po ako nag-Bubble Gang, nag-FHM po muna ako.

"And marami pong nag-open na doors nung nag-cover ako sa kanila, so thankful po ako dun."

STATE OF UNDRESS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa launching ng kanyang coffee table book na Kim Domingo: State of Undress, na ginanap sa Palm Grill restaurant, sa Quezon City, ngayong Huwebes ng tanghali, June 29.

Ayon sa tinaguriang Pantasya ng Asya, isang katuparan sa kanyang mga pangarap ang magkaroon ng sariling coffee table book.

Mabibili ang Kim Domingo: State of Undress, mula sa Summit Books, sa lahat ng bookstores para sa mga may edad 18-pataas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SALAMAT PO, DOK? Marami ang humahanga at nahuhumaling sa ganda ng 22-year-old star ng GMA Network. Bukod pa rito ang ipinagmamalaki niyang dibdib.

Inusisa ng PEP si Kim kung sumailalim ba siya sa mga kamay ng doktor upang makamtan ang ganung klaseng kagandahan.

Natatawa niyang sagot, “Sila [mga tao] na lang po ang bahalang humusga dun!

“E, opinyon na lang nila kung gawa, opinyon na lang po nila yun.”

May isang reporter naman ang pabirong nagtanong kung lalaki pa ba ang kanyang boobs.

Sagot ni Kim, “Sana huwag na po, kasi nabibigatan na po ako, e. Nakukuba na nga po ako, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN