Diego Loyzaga moves out of estranged dad Cesar Montano's place

IMAGE Noel Orsal

Diego Loyzaga on one thing that he learned from estranged dad, Cesar Montano: "If there's one good thing my father taught me, it would be yung pagiging maka-Diyos niya. Sobra siyang masipag magsimba tuwing Sunday. Grabe yung faith niya kay Lord. So, alam mo, kahit papa'no, at least yun, nakuha ko yun sa kanya. Thankful at masaya ako na at least I got something from my dad."


Magaan ang pakiramdam ni Diego Loyzaga ngayon dahil sa blessings na dumarating sa kanya, kaya naman nakuha niyang mag-reach out sa nakaalitang ama na si Cesar Montano kamakailan.

Hindi sila nagkasama nung Father’s Day, pero tinext daw ni Diego ang kanyang ama.

Pagbabahagi ng Kapamilya young actor, “Nagpasalamat lang ako sa kanya, kasi for the longest time, nakatira ako sa isang bahay niya.

"It’s an old house of his—yung restaurant niya.

"Tinext ko siya to thank him for all the support na ibinigay niya, and for letting me stay in that house.

"And also to tell him that I’d be moving out na. Pero naunahan ako, e."

Paliwanag ni Diego, "Sa house kasi na yun, may nakatira rin na tao niya, yung secretary niya.

"Kalahati pa lang ng gamit ko yung nahahakot ko nun, pero siguro may nagsabi na aalis na ako doon, so pinalitan na nila yung mga lock and they boarded up the doors.

"So, sinabi ko rin sa kanya na, ‘Dad, babalik pa ako para kunin yung natirang gamit ko.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diego sa blogcon ng pelikulang Bloody Crayons, kahapon, June 29.

Hindi raw sinagot ni Cesar ang text niya.

Naghihintay pa ba siya ng sagot mula sa ama?

Tugon ni Diego sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m not waiting.

"The little kid Diego, the younger me, he was waiting.

"But I’m not. I’m fine na. We’re good."

Noong Pebrero ay naglabas ng sama ng loob si Diego laban sa ama, sa pamamagitan ng Instagram.

Ito ay kaugnay ng pagpilit sa kanya ni Cesar na sumailalim sa drug test at pagbabanta umanong ipadadampot sa pulisya dahil sa paggamit ng droga.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Cesar Montano mum on son Diego Loyzaga's rant
Cesar Montano mum on son Diego Loyzaga's rant

WHAT CESAR TAUGHT DIEGO. Kung mayroon siyang gustong sabihin kay Cesar ngayon, ano yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Diego, “Happy Father’s Day and God bless.

“If there’s one good thing my father taught me, it would be yung pagiging maka-Diyos niya.

"Sobra siyang masipag magsimba tuwing Sunday. Grabe yung faith niya kay Lord.

"So, alam mo, kahit papa'no, at least yun, nakuha ko yun sa kanya.

“Thankful at masaya ako na at least I got something from my dad.

"Kaya sa ngayon, all I wanna say is God bless and sana things will work out.”

Dagdag pa niya, “Mukha naman siyang masaya. Marami siyang trabaho ngayon, e.”

Si Diego ay anak ni Cesar sa actress-singer na si Teresa Loyzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN