Maine Mendoza mimics Angel Locsin's voice; Angel reacts

IMAGE Instagram (@juansarte and @lalaflores16)

See how Maine Mendoza fared in mimicking Angel Locsin's voice. 


Muling ipinamalas ni Maine Mendoza ang kanyang talento sa panggagaya nang gayahin niya ang pagsasalita ni Angel Locsin.

Bago maging prime artist ng GMA Network, nakilala muna si Maine bilang Dubsmash Queen, partikular ang pagdu-Dubsmash niya kay Kris Aquino.

Nitong Huwebes ng gabi, June 29, ipinost ni Maine ang ilang videos sa kanyang Instagram story.

Kuha ang videos sa isang event ng shampoo brand na ini-endorse ng Eat Bulaga! host.

Mabilis namang ni-retweet ng fans ni Maine ang videos.

Sa isang video, mapapanood si Maine na nakipagkumustahan sa impersonator ni Angel na si Jennie Gabriel.

Sa video na ito, parehong ginagaya ng dalawa ang boses ni Angel, at naka-tag pa ang Kapamilya actress.

Sa sumunod na video, ibinahagi ni Maine na ni-replay-an siya ni Angel.

Nagpaabot siya ng pasasalamat sa pagsagot ni Angel sa kanya, habang ginagaya nito ang boses ng Kapamilya actress.

Sabi ni Maine, “Hi guys, gusto ko lang i-share sa inyo na nireplayan ako ni Miss Angel Locsin.

“Yes, sobrang nakakatuwa lang, ‘no, ‘di ba, na ma-replayan ng isang Angel Locsin, kaya maraming salamat po, ha? Darna! Ha?” lahad ni Maine habang ginagaya ang boses ni Angel.  

Nag-tweet naman si Angel at sinabi niyang tawang-tawa siya sa panggagaya sa kanya nina Maine at Jennie. 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN