Veteran scriptwriter Jake Tordesillas dies at 68

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Award-winning scriptwriter and GMA-7 creative consultant Jake Tordesillas passed way this Friday morning, June 30. He was 68.


Pumanaw na ang beteranong scriptwriter na si Jake Tordesillas ngayong Biyernes ng umaga, June 30.

Siya ay 68 years old.

Kinumpirma ng GMA Network executive executive na si Lilybeth Rasonable ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Tordesillas.

Ayon sa Facebook post ni Rasonable: "almost 2 years ago, jake had an unfortunate accident that resulted in a knee surgery. this has caused him extreme pain—not only physically but emotionally as well…

"furthermore, jake underwent both physical rehabilitation and psychotherapy. when the excruciating pain continued, he got depressed and had to take personal leaves of absence from his work."

Si Tordesillas ay nagsilbing creative consultant sa drama programs ng GMA-7, gaya ng Amaya, Legacy, My Husband's Lover, Because of You, at Juan Happy Love Story.

Ilan naman sa Kapuso drama series na si Tordesillas mismo ang lumikha ay ang mga sumusunod: Beauty Queen (2010), Ilumina (2010), Diva (2010), at First Time (2010).

Bago siya nagtrabaho para sa Kapuso network, naging writer at creative manager din siya sa TV5 at ABS-CBN.

Ngunit unang nakilala ang pangalan ni Tordesillas dahil sa mga screenplay niya sa pelikula, na karamihan ay idinirek ni Maryo J. de los Reyes.

Ilan sa mga isinulat niyang script ay ang mga sumusunod: High School Circa '65 (1979), Annie Batungbakal (1979), Bongga Ka Day (1980), Totoo Ba ang Tsismis? (1981), Schoolgirls (1982), Diosa (1982), Ang Boyfriend Kong Kano (1983).

Siya rin ang sumulat ng mga di malilimutang pelikula gaya ng Bagets (1984), Hindi Mo Ako Kayang Tapakan (1984), Kaya Kong Abutin ang Langit (1984), Tagos ng Dugo (1987), Kapag Napagod ang Puso (1988), My Other Woman (1990), Sinungaling Moss Puso (1992), The Secrets of Sarah Jane (1994), at Pahiram Kahit Sandali (1998).

GOODBYE, SIR JAKE. Bumuhos naman agad ang mensahe ng pakikiramay mula sa mga kasamahan ni Tordesillas sa industriya, karamihan ay mga direktor at kapwa-manunulat.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN