Jake Zyrus open to sex change: "I will consider that."

IMAGE ABS-CBN (TBWA)

Transgender man Jake Zyrus's thoughts on sex-reassignment surgery: "Para sa akin, para complete yung mararamdaman ko as a man, siyempre I will consider that."


Inamin ng self-confessed transgender man na si Jake Zyrus na bukas siya sa posibilidad na sumailalim sa sex-reassignment surgery o sex change.

Si Jake ay unang nakilala bilang international singing sensation na si Charice Pempengco.

“Uhm... Hahaha! I don’t know,” pahayag ng 25-year-old singer na sandaling napaisip tungkol sa pagiging ganap niyang lalaki.

Dugtong niya, “Someday... Pinag-usapan namin ‘yan...

“Para sa akin, para complete yung mararamdaman ko as a man, siyempre I will consider that.”

Pero hindi raw siya nagmamadali sa pisikal na aspeto ng kanyang pagiging transgender man.

Ayon pa kay Jake, masaya siya sa pagkilala niya sa sariling gender identity at nais niyang maging inspirasyon sa kapwa-LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

"Finally, I feel complete," nakangiting saad ni Jake.

Nakapanayam si Jake ng TV host na si Boy Abunda sa ABS-CBN talk show na Tonight With Boy Abunda, Huwebes ng gabi, Hunyo 28.

SCREEN NAME. Dito ay nilinaw ng singer na screen name niya ang Jake Zyrus, at wala pa siyang balak na legal na papalitan ang kanyang birth name na Charice.

Sinagot din niya ang mariing pagtutol ng kanyang lola na si Thess Pineda sa pagpapalit niya ng pangalan at paninindigan bilang transgender man.

“Kung ano man po yung sinabi nila, kung ano man po yung nabitawang salita ng lola ko sa akin, tinatanggap ko po iyon dahil mahal ko po sila. Nauunawan ko.”

Dagdag ni Charice, “I know that someday, no matter what, makikita rin ng lola ko yung happiness na nararamdaman ko."


Stories We Are Tracking

Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Charice's grandmother vows to hunt 'killers' of singer
Charice's grandmother vows to hunt 'killers' of singer
Aiza Seguerra welcomes Charice as Jake Zyrus
Aiza Seguerra welcomes Charice as Jake Zyrus


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN