PTV-4 news anchor Kathy San Gabriel claims she was terminated without prior notice, grounds

IMAGE Facebook (Kathy San Gabriel)

Former PTV-4 news anchor Kathy San Gabriel recounts how the state-owned TV network terminated her contract without prior notice or grounds. 


“I was not given the dignity of a goodbye.”

Ito ang pagtatapos ng Facebook post ng PTV-4 news anchor na si Kathy San Gabriel matapos magdesisyon ang state-owned television network na i-terminate ang kanyang kontrata.

Nagtagal ng 11 taon ang paglilingkod ni Kathy bilang news anchor ng PTV-4.

Sa Facebook post niya ngayong Biyernes ng umaga, ikinuwento ni Kathy na noong Miyerkules ng gabi, June 28, inabisuhan siya ng PTV-4 management na ngayong Biyernes, June 30, ang huling araw niya.

Pero hindi rin ito nasunod dahil nagdesisyon daw ang management na huwag na siyang papasukin sa dapat sana’y huling araw niya sa trabaho.

Ipinost din ni Kathy ang screenshot ng mensahe na negatibo raw ang reaksiyon ng publiko sa TV network dahil sa FB posts niya tungkol sa pagtanggal sa kanya.

Kabuuang mensahe ni Kathy via Facebook: “No words. I was informed by PTV management two days ago that today will be my last day at work.

"Kahit malungkot, tinanggap ko ang naging desisyon ng pamunuan ng network.

"Mamayang gabi sana ang huli kong newscast. Bagamat alam kong magiging emosyonal, gusto ko sanang kunin ang pagkakataong iyon para magpasalamat sa inyo sa pagsubaybay sa mahigit isang dekada kong pagbabalita sa PTV.

"Ngunit ikinalulungkot kong hindi ko magagawa iyon. Nagdesisyon po ang pamunuan ng People's Television na huwag akong papasukin mamayang gabi.

"I was not given the dignity of a goodbye."

May mga nauna nang posts si Kathy na may kinalaman sa trabaho.

Kagaya ng pagkakaroon dapat ng sikmurang gawa sa semento para magtagal sa industriya ng broadcasting.

Ang isa pang mensahe niya ay tungkol sa pagkakaroon ng maraming pera, pero hindi kayang bilhin ang budhi.



Sa comment section ng kanyang post, inilahad ni Kathy na “No prior notice. No grounds” ang pagtanggal sa kanya.

Sana lang daw ay binigyan siya ng panahon para makapaghanap ng bagong trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Presidential Communications Operations Office Secretary (PCOO) Martin Andanar upang kunin ang panig nito tungkol sa isyu.

Ilalathala kaagad ng PEP kapag nagbigay na ng reaksiyon ang kalihim.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN