Ganiel Krishnan clears Ella Cruz on Miss Manila 2017 dressing-room issue

IMAGE Instagram photo of Ella Cruz (left) and Twitter photo of Ganiel Krishnan (right)

Ella Cruz (left) says she did not meet Ganiel Krishnan (right) at the grand coronation of Miss Manila 2017.


Nilinaw ng courtside reporter na si Ganiel Krishnan na hindi si Ella Cruz ang tinutukoy niya sa kanyang Twitter posts kamakailan.

Sa kanyang Twitter post kanina, June 30, sinagot ni Ganiel ang isang netizen na nagtanong kung si Ella ang sinasabi niyang “actress” na tumangging makipag-share sa kanya ng dressing room sa Miss Manila 2017 grand coronation noong Linggo, June 26.


Stories We Are Tracking

Ganiel Krishnan clears Sarah, Nadine, on dressing-room issue
Ganiel Krishnan clears Sarah, Nadine, on dressing-room issue

Sagot ng dati ring beauty queen, “No it's not Ella.

“She's super cute in person omg I told you guys the actress is not sikat I didn't know her name at first pa nga.”

Ipinost naman ni Ella ang tweet ni Ganiel sa kanyang personal account para linawin rin ang isyu.

Bukod kay Ella, nauna nang inabsuwelto ni Ganiel ang mga pangalan ng iba pang Viva artists na sina Sarah Geronimo, Nadine Lustre, Yassi Pressman, at Sarah Lahbati.

Samantala, sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter kahapon, June 29, sinabi ni Ella sa PEP.ph na ang mga miyembro ng PPOP Generation ang kasama niya sa dressing room.

Aniya, “Just want to make things clear po. It was not me.

“Yung dressing room ko po kasama ko ang buong PPOP Generation and maliit lang ang dressing room.

“And hindi ko po siya [Ganiel] nakita or na-meet during Miss Manila.”

GANIEL WON'T NAME THE "ACTRESS." Sa comment section ng Facebook post ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakiusap si Ganiel na sana ay matapos na ang isyung ito.

Aniya, "I didn't know my tweet would go this far. Sana po tapusin na natin yung issue kasi nga po hindi naman sikat yung actress baguhan lang po yun and hindi ko nga po alam name niya at first.

"Sana po okay na din po sainyo na na clear na names ng artists na na involve."

Humingi rin siya ng paumanhin sa naidulot ng kanyang mga Twitter post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ganiel, "Sorry if nag isip po kayong lahat kung sino.

"Again hindi po ako mag drop ng name because the artist is not big and hindi ko din po siya kilala at first talaga and this would only result to cyber bullying and I'm done with this issue.

"Yung tweet ko po is about my experience lang po. Sorry po again sa mga nag isip. I have no bad intentions."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN