Rocco Nacino on Sanya Lopez: "Espesyal siya sa akin, oo."

IMAGE Noel Orsal

From their first pairing in Encantadia, the love team of Rocco Nacino and Sanya Lopez levels up as they team up once more in the new GMA-7 teleserye, Haplos. "To be with her again, napakalaking bonus... palapit kami nang palapit sa isa't isa," Rocco beams.

 


Hindi halos napahinga o nabakante ang bagong magka-love team na sina Rocco Nacino at Sanya Lopez. 

Nakilala sila bilang si Danaya at Aquil sa Encantadia kung saan nagsimula ang DanQuil.

Pagkatapos ng fantaserye, binigyan at pinagkatiwalaan agad sila ng GMA-7 sa bagong teleserye, ang Haplos na mapapanood na sa Kapuso afternoon prime simula sa July 10.
 
“Nagulat nga po ako,” saad ni Rocco nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na grand presscon ng Haplos noong June 27 sa GMA-7.
 
Ayon pa sa Kapuso actor, “Right after ng last taping namin, one week lang ang lumipas, storycon na kami agad. 

“Una, masayang-masaya ako para kay Sanya dahil talagang deserving siya.
 
“And to be part of the project and to be with her again, napakalaking bonus. 

“Kita ng mga Kapuso natin na nagwu-work yung love team namin at ito yung naging produkto.

“Ang fruit ng hard work namin, very driven kami ngayon.”

Dugtong pa niya, “Palagi kong nire-ready si Sanya… at natutuwa ako kapag nanonood ako sa monitor.

“Wala akong kailangang i-correct, kayang-kaya niya.”

May balita na nagkaroon sila ng “short-lived romance” ni Sanya na naudlot lang din habang ginagawa nila ang Encantadia.
 
“Meron ba?” natatawang reaksiyon ni Rocco.

“Baka mukha...”
 
Paglilnaw niya, “Noong una, we had separate lives; habang tumatagal ang Enca, yun 50/50 naman lahat.

“Palapit kami nang palapit sa isa’t isa…”
 
Puwede na pala talaga sila ni Sanya kung ganoon?

Pagsang-ayon niya, “Oo, puwede na, pero trabaho muna. 

“At my age and at her age, talagang trabaho ang nasa isip namin ngayon. 

“Bonus na magkasama kami ngayon, sana hangga’t umabot ng dalawang taon ang closeness namin ngayon.

NBSB. Matapos ang breakup kay Lovi Poe, wala pang napapabalitang naging girlfriend o nililigawan na babae si Rocco, maliban sa pagkaka-link nila ni Sanya.

No boyfriend since birth (NBSB) naman si Sanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali pala ay si Rocco ang magiging una niyang boyfriend.

May bilin nga raw ito kay Rocco na “please be careful with my heart.”
 
Tugon naman ni Rocco sa pahayag ni Sanya, “Yun nga yung paraan ko para irespeto si Sanya.

“Mahalaga siya sa akin kaya malaking-malaki ang respeto ko sa kanya. 
 
“Itong status niya na NBSB ay talagang pinapangalagaan ko talaga.

“If ever… at the right time. Ayaw kong madaliin.
 
“Let’s take it slow, sa ganung paraan na alam ko, nirerespeto ko siya.”

Pero may mga posting siya sa social media na nami-miss niya si Sanya.
 
“Well, ibig sabihin masaya ako, masaya ako na nakakasama ko siya. 

“She’s the closest person to me ngayon, espesyal siya sa akin, oo.”
 
Dugtong pa niya, “Ang goal ko ngayon is just work and work and work.

“Hindi ko alam kung ready na ba akong pumasok sa pintong yun, same rin with Sanya.
 
“But the thing is, napakaganda ng takbo ng career namin at alam namin ang priority namin. 

“At the same time, nandito kaming dalawa para sa isa’t isa.
 
“So, bakit kami magga-gamble na pumasok sa relationship agad-agad.

“Palagi naman kaming magkasama at alam naming okey naman kami, hindi kami nagmamadali.”

Itinanggi naman ni Rocco ang minsang nabanggit niya na meron siyang non-showbiz girl na dine-date dati.
 
“Wala na yun,” nakangiti niyang sabi.

HAPLOS. Samantala, malaking challenge daw kina Rocco at Sanya ang bago nilang teleserye.

Ayon sa aktor, “Shifting from Encantadia, isang show na nag-last ng isang taon, ‘tapos binigyan kami ng napakalaking privilege na gumanap bilang Angela at Gerald sa Haplos
 
“The pressure is on us,” pag-amin ni Rocco, "and napakasuwerte namin.

“Yung mga nakuha naming fans from the DanQuil love team, suportadung-suportado kami rito.
 
“Kahit hindi DanQuil ang mapapanood nila, excited na excited pa rin sila dahil may project kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very lucky, very happy,” saad niya.

Sa salitang haplos, may pagka-sensual o daring ba ang afternoon prime teleserye nila?
 
“Oo, pero ibang sense,” tugon ni Rocco.

“Haplos ng pag-ibig, haplos ng pagmamahal sa pamilya.

“At the same time, yung sa fantasy side ng Haplos na may power, it’s a different take.

“Ang setting nito, totoong-buhay talaga, modern family… yung rivalry ng magkapatid.

“Ipapakita kung paano magpi-prevail ang good versus evil.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN