Cristina Gonzales-Romualdez denies daughter Sofia is quitting singing career

IMAGE Instagram (Sofia) / Glenn Regondola (Cristina)

Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez (main photo) on daughter Sofia (inset): "Iba siya, iba talaga siya. Artist talaga siya... She's not into like pa-cute-cute. Ayaw niya ng mga pabebe or whatever."


Binigyang-linaw ni Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ang isyung ayaw nang ipagpatuloy ng kanyang bunsong anak na si Sofia Romualdez ang singing career nito.

Si Sofia ay nakakontrata sa Viva Artists Agency ng limang taon at nakagawa na ito ng isang single under Viva Records at kasalukuyan nitong pinaghahandaan ang isang album.

Pahayag ni Kring Kring (palayaw ni Cristina), "She's preparing kasi she's gonna enroll in August, pero, she will continue her career actually.

"Pero, slowly lang siya, kasi gusto niya, tinapos muna niya ang exam niya na isa, and then she's back in school in August.

"And at the same time, she's continuing her album.

"Kasi nga, ayaw niyang mag-artista now.

"Gusto niya sa music lang, and she wants to be known for her music.

"Ayaw niya yung  for just a pretty face, ayaw niya nang ganun.

"Iba, e. Iba ang anak ko."

SCHOOL FIRST. Si Sofia ay papasok bilang isang senior high school student sa  Meridian International College (MINT) ngayong Agosto.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment editors at kolumnista ang butihing alkalde sa Sangyawan Festival 2017 sa Tacloban noong June 28.

Dugtong pa niya tungkol sa gustong mangyari ng kanyang anak sa career nito, "So, she wants to be known for her talent, not just...

"Ang nangyayari kasi, ayaw namin na...anybody sings, di ba? Then, pretty, kakanta ka.

"She writes [songs], she arranges, she wants to have a say.

"So now, we're working on her album. May single na siya [“Pikitmata”], and she's working on her album."

Para kay Sofia, gusto nga raw talaga nitong makilala bilang isang artist.

Pagpapatunay ng dating sexy actress, "Wala, wala ako diyan. Siya yung may talent.

"Iba siya, iba talaga siya. Artist talaga siya.

"So, hindi siya yung tipong basta lang gustong sumikat hindi siya ganun, e.

"Of course, okay na she'll get known. Pero she's the type who just want to [showcase] her art.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's more of... she's more of like indie.

"She's like, mas type niya yung music na out-of-the-box.

"She's not into like pa-cute-cute. Ayaw niya ng mga pabebe or whatever."

NO BOYFRIEND, AS OF NOW. Baka naman may boyfriend na ang kanyang 17-year-old daughter kaya ganun.

Pagkontra niya, "Now? Wala pa.

"May kinukuwento naman siya sa akin 'pag meron siyang ka-M.U. [mutual understanding].

"Kinukuwento naman niya sa akin, pero wala na ngayon. She tells me naman.

"Gusto ko kasi maging open sila sa akin.

"Yeah, I don't want na, 'O, don't do that.' And then, they'll not tell me na.

"If she tastes wine, gusto ko, she tells me.

"Parang she'll hide everything from me and I don't know what's happening. Ayoko ng ganun."

Sa palagay naman daw niya ay hindi pa talaga magla-love life ang kanyang bunso dahil sa malaking parangap nitong makapag-enroll sa Berklee College of Music, sa Boston, USA, kalaunan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN