Baron Geisler involved in road rage incident with bus driver

IMAGE Baron Geisler and V Anne Grv on Facebook

Baron Geisler figured in a road rage incident with a bus driver at NLEX last June 27, 2017.


Kumakalat sa social media ngayon ang diumano'y pagwawala ni Baron Geisler sa NLEX gabi nang Martes, Hunyo 27.

Ayon sa netizen na si V Anne Grv na siyang nag-post sa Facebook ng nasabing insidente, nagsimula raw ang pagwawala ni Baron nang makagitgitan ang isang Florida Sleeper Bus na patungong Laoag.

Lulan daw ang aktor ng kanyang black Toyota Fortuner.

Kuwento pa ni V Anne Grv sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, Hulyo 1 sa pamamagitan ng Facebook messenger (as typed), "Baron and the bus driver, most probably at the same time naisipang mag overtake.

"Nauna lang magflasher si Baron bago ung bus.. despite Baron's signal light na magoover take siya, nag attempt parin magovertake ung bus.

"So, ung harap na gulong ng bus nakatapak na sa left lane, but Baron still insisted na mas may karapatan siyang mag overtake kaya diniretso niya parin, sobrang bilis, busina ng busina.

"Nagbigay nalang ung bus at hindi na tinuloy magovertake sa truck.. sa sobrang bilis ni Baron, na overtake niya pati ung bus na sinasakyan namin at hinintuan kami sa harap.."

Doon na daw kinalampag at sinuntok ni Baron ang driver's side ng bus.

Hinamon din daw nito ang bus driver at konduktor na makipagsuntukan.

Patuloy ni Anne, "pero dahil pinayuhan namin na wag bumaba [driver at konduktor], yung bote ng San Mig na hawak niya, ibinato niya sa windshield ng bus.

"Tapos un, grabe ang dami niyang pagmumira sa driver/conductor despite the fact na ilang beses ng humingi ng tawad ung driver."

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Nagpadala ang PEP ng mensahe kay Baron upang kunin ang kanyang panig tungkol sa naturang insidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN