TV5 issues statement; expresses disappointment over Erwin Tulfo, Ben Tulfo, and Ed Lingao tiff

IMAGE Erwin Tulfo / Ed Lingao on Facebook

Humingi ng dispensa ang TV5 management sa publiko sa nangyaring patutsadahan ng tatlo nilang broadcasters na sina Erwin Tulfo, Ben Tulfo, at Ed Lingao sa social media. Gagawa raw ng disciplinary action ang istasyon para sa tatlo.


Kamakailan lamang ay nasangkot sa bangayan sa social media ang magkapatid na sina Erwin Tulfo at Ben Tulfo laban kay Ed Lingao, pawang mga TV5 broadcaster.

Nag-ugat ang alitan ng Tulfo brothers laban kay Ed nang mag-post ang huli sa Facebook ng isang mahabang komentaryo tungkol sa ginawang pagbatikos ni Erwin sa kanyang programa sa Radyo Singko na Punto Asintado kay Senator Risa Hontiveros.

Binatikos ni Erwin ang mga naging pahayag ni Sen. Hontiveros sa naging panayam nito sa UNTV tungkol sa Maute group invasion sa Marawi.

Diumano’y mali ang balitang nakarating kay Erwin dahil “fake news” umano ang isang basehan ng kanyang pagbabatikos laban sa senadora.

Hindi nagustuhan ni Erwin ang post ni Ed kaya binanatan nito ang kapwa Kapatid broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook live commentary.

Pati ang kapatid ni Erwin na si Ben ay nagpatutsada din kay Ed na sinagot din naman ng Aksyon Prime host.

Nitong nakaraang Biyernes, June 30, naglabas ang istasyon ng pahayag tungkol sa patutsadahan ng tatlo.

Ayon sa statement ng Kapatid Network, ang alitan ng tatlong News5 personalities na lantad sa publiko ay “not only hurtful to the parties directly concerned but also goes against the work and journalistic ethic that News5 strives to uphold.”

Narito ang kabuuan ng pahayag ng TV5:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN