Erwin Tulfo resigns from TV5; to resume broadcasting job in another network in August

IMAGE Erwin Tulfo on Facebook

Nag-resign na sa TV5 si Erwin Tulfo nitong nakaraang Biyernes, June 30. Sa Agosto, mapapanood muli siya sa telebisyon pero sa iba nang istasyon.


Tuluyan nang nilisan ni Erwin Tulfo ang TV5 pagkatapos ng pitong-taong serbisyo sa istasyon.

Nitong nakaraang Biyernes, June 30, ang huling araw ng radio-TV host sa TV5 at sa programa niyang Punto Asintado sa Radyo Singko.

Ngayong araw ng Linggo, July 2, kinuwento ni Erwin sa kanyang Facebook ang rason sa kanyang pag-alis sa Kapatid Network.

“Personal at professional” daw ang mga kadahilanan ng kanyang pag-resign.

Panimula niya, “Good morning mga Tol at mga Bes,

“Para po sa kabatiran ng lahat, AKO PO AY NAGPAALAM NA SA TV5 , ANG AKING NAGING TAHANAN FOR 7 YEARS, SIMULA PA PO NOONG BIYERNES, A-30 NG HUNYO.

“Personal at propesyunal na kadahilanan ang aking paglisan sa Kapatid network. Wala po akong sama ng loob sa management ng kumpanya lalo na sa may-ari nito na si Manny V. Pangilinan.”

Kasunod nito, kinuwento ni Erwin ang tungkol sa mga hindi pagkakaunawaan niya at ng istasyon sa ilang bagay katulad na lamang ng sigalot sa isang pamilya.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero tulad sa isang pamilya, may mga bagay o pagkakataon na hindi pagkaka-unawaan o pagkakaintindihan ng anak at ng mga magulang.

“At kung ikaw ay mabuting anak, sa halip na makipagtalo o makipagaway sa iyong magulang...mas mabuti pang magpaalam ka na lang sa kanila at tahimik mo na lang lisanin ang inyong tahanan kaysa maging pabigat ka pa sa pamilya.

“PINALAKI PO KAMI KASI NG AMING MAGULANG NA HINDI SUMAGOT AT LUMABAN SA KANILA BAGKUS AY SUMUNOD NA LAMANG DAHIL MAHAL NAMIN SILA.”

NEW HOME, NEW SHOW. Dagdag pa ng batikang komentarista, may bago na siyang tahanang papasukan ngunit magpapahinga muna siya ng isang buwan.

Aniya, “Anyway, ako po ay magbabakasyon muna ng isang buwan para asikasuhin din ang aking pamilya at dalawin ang aking mga kaanak sa Davao at sa ibang bansa.

“MAY BAGO NA PO AKONG TAHANAN... isang sikat na nationwide AM radio at isang kilalang TV network. Public service host po tayo sa radyo at newscaster naman sa television:)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“INAAYOS NA PO NG DALAWANG PANIG ANG KONTRATA. Kaagad kong ipapaalam sa inyo sa mga darating na araw.

“ABANGAN PO NINYO YAN MGA KAPATID, NGAYONG AGOSTO NA!!!

“For the meantime tuloy po ang ating FB live 8am ng umaga Lunes hanggang Biyernes laban sa mga tiwali at kalaban ng gobyerno.

“MARAMING SALAMAT SA WALANG SAWANG SUPORTA NINYO. Love you people. :)”

Nauna nang nag-resign si Erwin sa Aksyon Prime ng TV5 dahil sa hindi din pagkakaunawan ng ilang bagay-bagay.

Kamakailan lang din ay nakaalitan ni Erwin ang kapwa-News5 anchor na si Ed Lingao.


Stories We Are Tracking

TV5 takes disciplinary action vs. Tulfo brothers, Ed Lingao
TV5 takes disciplinary action vs. Tulfo brothers, Ed Lingao


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN