Celebs tweet disappointment over Manny Pacquiao's loss

IMAGE Courtesy of Top Rank

Marami ang hindi makapaniwala sa naging resulta ng Battle of Brisbane kunsaan natalo ni Jeff Horn si Manny Pacquiao via unanimous decision. Kaya naman ibinuhos ng netizens at celebrities sa social media ang kanilang pagkadismaya sa resulta ng laban.


Marami ang hindi makapaniwala na natalo ni Jeff Horn si Senator Manny Pacquiao sa Battle of Brisbane ngayong araw ng Linggo, July 2, sa Brisbane, Australia.

"Unanimous decision" ang naging hatol ng tatlong judges pabor sa Brisbane-born boxer.

Pero sa scorecard, lamang si Manny kay Jeff, kaya naman marami ang nagsasabing nadaya ang senator-boxer sa laban.

May mga local celebrities na naghayag ng kanilang pagkadismaya sa naging resulta ng laban sa pamamagitan ng social media.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Hindi lamang local celebrities ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa laban.

Pati na rin ang ilang international personalities ay hindi rin makapaniwala sa resulta ng laban.

Ayon naman sa Malacañang, hindi nakakaapekto sa didgnidad ng mambabatas ang pagkatalo nito sa Battle of Brisbane.

Bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, "Manny Pacquiao's loss in Brisbane would not diminish the honors he bestowed to the people and to the flag.

"Nothing will change: Senator Manny Pacquiao will remain our People's Champ, Pambansang Kamao, and National Treasure in Global Sports."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN