Harlene Bautista gives update on brother Hero's drug rehab status

IMAGE Faxcebook

Harlene Bautista happily reports that her brother, Quezon City councilor Hero Bautista, is doing well despite undergoing drug rehabilitation: "Inaasikaso namin siya and nakikita naman namin yung improvement, hindi lang physically. Physically, kung makikita mo, ang taba niya talaga. Very healthy siyang tingnan."


Masayang ibinalita ni Harlene Bautista na maayos ang kalagayan ng kapatid niyang si Hero Bautista at malapit na itong lumabas mula sa rehab.

Estima niya, “Mga second week, hopefully, ng July.”

Matatandaang noong August 2016 ay pumasok sa drug rehabilitation center si Hero, na isang konsehal sa Quezon City.

Patuloy naman daw sa pag-attend ng session si Hero bilang isang konsehal.

Ayon kay Harlene, “Every Monday. Labas, tapos babalik din. Balikan lang.

“Nitong June lang nag-start. Pero yung mga nakaraang buwan, wala talaga, wala.”

Sa nangyari sa kanyang kapatid, ano ang naging realization ni Harlene sa buhay?

Saad niya, “Kasi dati, pagka may naririnig ako, ako na lang, na parang, ‘Kasi addict 'yan,’ ganun lang.

“Napakadaling bitawan na, ‘E, kasi addict, e! Iyan ang napala.’

“Pero yun nga, yung sinasabi nga na pag sa iyo na nangyari, iba talaga yung ano...

“Tsaka yun nga, mas naintindihan ko pag sinasabi na, pag napapanood natin dati sa news na ‘Biktima lang ako,’ or biktima siya… biktima talaga, e.

“Biktima talaga.

“And yung time na gumagamit yung tao, yung biktima, wala naman sa isip niya yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Harlene sa lunch treat ng Bautista family para sa entertainment press nitong nakaraang Biyernes, June 30, sa pag-aari nilang restaurant na Salu restaurant, sa Scout Torillo corner Scout Fernandez, Quezon City.

CAUGHT UNAWARE. Wala raw talaga siyang kamalay-malay na gumagamit si Hero ng illegal drugs, kundi pa ito umamin.

Ayon kay Harlene, “Hindi ko talaga alam kasi he’s the type na kung gusto niyang magpapayat, magpapayat siya, for a role.

“Kung gusto niyang magpaganda ng katawan, magpapaganda ng katawan 'yan.

“Magpapahaba ng buhok, ermitanyo look, kasi may play siya, so yung ganun.”

Alam daw nina Harlene kung sino ang nagturo kay Hero na mag-drugs.

“Mahirap mag-ano, e, pero siyempre may idea naman kami kung sino yung mga nakaimpluwensiya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw na silang balak kausapin o kumprontahin ang mga taong iyon.

Kung makakausap ni Harlene ng one-one one si Hero na seryosohang usapan, ano ang sasabihin niya sa kapatid niya?

Ani Harlene, “Lagi, nakakausap ko siya.

“Actually, ako lang ang authorized na sumundo, maghatid... isa sa mga authorized.

“Yung family lang talaga.”

Ano ang madalas niyang sabihin kay Hero?

“Wala. Yung parang, ‘O, okay ka na? Okay ka?’

“Yun, inaasikaso namin siya.

"And nakikita naman namin yung improvement, hindi lang physically.

“Physically, kung makikita mo, ang taba niya talaga. Very healthy siyang tingnan.”

Maging ang kapatid nilang si Quezon City Mayor Herbert Bautista ay regular daw ang pagbisita kay Hero.

Aniya, “Oo naman. Pinupuntahan siya ni Kuya Herbert.”

Nagalit ba si Herbert kay Hero?

Sabi ni Harlene, “Well, I think normal, natural na reaksiyon, kahit naman ako, e.

“Parang, halu-halo talaga, e. Magtataka ka, magagalit ka.

“Malulungkot ka, maaawa ka, masa-shock ka. Iba-iba talaga.”

DRUG REFORM PROGRAM. Dahil sa nangyari, ano ang masasabi ni Harlene sa kampanya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga?

“Sa nakita ko kasi kay Kuya Hero, may pag-asa namang magbago.

“Nalulungkot ako para sa mga nawalan ng mahal sa buhay.

“Hindi ko alam kung ano talaga iyang programa na 'yan, yung style ng ganyang pagsu-solve ng drugs.

“Hindi ko alam kung masu-solve niya talaga, kasi para sa akin, siguro maganda kung bigyan ng chance.

“Siguro programang maganda na makakapagpabago sa user, 'tsaka sugpuin yung kung saan nakukuha.

“Kasi kung wala namang makukuhang drugs, wala, wala namang…”

HERBERT RUNNING FOR HIGHER OFFICE? Tinanong din ng PEP si Harlene kung totoong tatakbo ang Kuya Herbert niya bilang senador sa susunod na eleksyon.

Sagot niya, “Hindi ko nga alam, e.

“May Senator, may Congress, so…

“Ako, mas gusto ko sana… senator? Because mas bagay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa tingin ko, mas marami siyang magagawa as a senator.

“He’s a good executive, he’s a good… yung ano, action siya, yung implementation, ganyan.

“Hindi yung naggagawa ng batas, nakaupo lang, ganyan.

“Hindi siya ganun, e.

“Although talagang very ano siya, ma-research, maaral.”

Hindi kaya pagtakbo ni Herbert sa isang mas mataas na posisyon ay si Harlene naman ang tumakbo bilang kapalit ng kuya niya para maging mayor ng QC?

“Hindi, hindi ako tatakbo,” mabilis niyang tanggi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN