Reformed drug user John Wayne Sace relates tokhang experience

IMAGE ABS-CBN / Rated K

John Wayne Sace on past drug use: "Nalulong po ako. Gumagamit ako ng marijuana o ng shabu po. Halos lahat ng klase ng drugs nasubukan ko na po, lahat-lahat... Kung maibabalik lang ba, bakit ko sinubukan yun?"


Inihayag ng dating teen star na si John Wayne Sace na nagbagong-buhay na siya, halos isang taon mula nang nabaril ng dalawang hindi kilalang lalaking nakamotorsiklo sa Pasig City.

"Dun ko din naisip na hindi pa talaga ako kailangan ni Lord. Dapat siguro ayusin ko na. Ang pagbabago, magsisimula rin sa sarili mo,” pahayag ni John Wayne sa panayam ni Korina Sanchez sa ABS-CBN lifestyle show na Rated K, Linggo ng gabi, Hulyo 2.

Dito ay inamin ng 28-year-old actor na ilang taon din siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Nalulong po ako. Gumagamit ako ng marijuana o ng shabu po. Halos lahat ng klase ng drugs nasubukan ko na po, lahat-lahat.”

Taong 2008, noong panahong nag-aartista pa siya, inalala ni John Wayne na nagsimula siyang magdroga sa mga “kasiyahan” kasama ng kanyang barkada.

Ang shabu raw ang may pinakamalalang epektong idinulot sa kanya.

“Hindi ka nakakatulog, tapos sobra kang mag-isip—praning,” pag-amin ni John Wayne.

Dugtong niya, “Mawawala sa ‘yo lahat—yung tiwala sa ‘yo ng family mo, yung tiwala ng tao."

TOKHANG EXPERIENCE. Hanggang sa umabot daw sa puntong natokhang siya ng awtoridad.

Ang “tokhang” ay hango sa salitang Cebuano na Toktok-Hangyo, na ang ibig sabihin ay katok at pakiusap.

“Opo, ang sabi pa nga po sa akin, ‘Ikaw nga, ikaw nga! Sa wakas natiyempuhan ka din namin.’

“Alagad ng batas po, e, di wala na akong nagawa.

“Nag-fill up ako ng form nila, tapos kinuhanan nila ako ng picture.

“Hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka nag-attend ng klase ng plataporma po nila.”

Sa ngayon, hindi na raw gumagamit ng droga si John Wayne at pinagsisihan na niya ang kanyang hindi magandang karanasan.

Aniya, “Kahit po magpa-test pa tayo.”

Nangako raw siya sa kanyang misis at tatlong anak na aayusin na niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng “self-rehabilitation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namalagi raw siya sa probinsiya, tumulong sa paglilinis sa komunidad doon.

Sinubukan na raw ng kanyang lolo na dalhin siya sa rehabilitation center.

Pero pinayuhan daw ang kanyang lolo na kaya pang daanin sa support system ng kanilang pamilya ang pagbabagong-buhay ni John Wayne.

Si John Wayne ay nakilala bilang miyembro ng all-male dance group na Anime sa ASAP noong 2003.

Gumanap din siya bilang anak nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa 2002 film na Dekada '70.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN