SexBomb Girls members get together for a mini-reunion

IMAGE Jopay Paguia Instagram

Pagkatapos ng ilang taon ay muling nagkasama-sama ang ilang miyembro ng SexBomb Girls, kasama ang kanilang dating manager na si Joy Cancio.


Maraming fans ng dating all-female group na SexBomb Girls ang natuwa sa naging reunion nila.

Ginanap ang reunion ng SexBomb Girls, kasama ang kanilang dating manager na si Joy Cancio, nitong Linggo, July 2.

Patunay itong walang bad blood na namamagitan kay Joy at sa mga dating miyembro ng all-female dance group.

Present sa SexBomb reunion sina Joy, Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Aira Bermudez, Sugar Mercado, Sunshine Garcia, Che-Che Tolentino, Izzy Trazona, Mia Pangyarihan, Aifha Medina, Cynthia Yapchingo, at Grace Nera.

Ibinahagi ng ilang miyembro ng SexBomb Girls sa Instagram ang ilang larawang kuha mula sa kanilang reunion:

Ito ba ang hinihintay nyo ang SexBomb reunion?!! Aw!! ????????????

A post shared by rochellepangilinan (@rochellepangilinan) on

Sexbomb girls with our mother Joy cancio! ?

A post shared by Aira Bermudez (@airabermudez) on

Sexbomb Reunion sa susunod kumpleto na kami..

A post shared by Sunshine Garcia (@sunshine_garcia) on

???? #GODIsgood #blessed #reunion #sexbomb

A post shared by Sugarmercado (@sugarmercado777) on

SEXBOMB GIRLS. Ang SexBomb Girls ay nagsimula sa pangalang Chicken Sandwich Dancers at naging bahagi ng Eat Bulaga! noong 1999.

Noong 2002, nakilala sila bilang Sexbomb Girls, na hango sa hit song ni Tom Jones na "Sexbomb."

Sa segment ng Eat Bulaga! na "Laban O Bawi" naging household name ang SexBomb Girls dahil na rin sa chant nilang "Get, Get Aww!"

Nagkaroon din sila ng sariling TV series, ang Daisy Siete sa GMA Network, na tumagal ng 25 seasons.

Nagkaroon din sila ng hit albums, kung saan nagmula ang kanilang hit songs na “Spaghetti Song”, "Bakit Papa?,” at "Halukay Ube".

Nagbida rin ang Sexbomb Girls sa pelikulang Bakit Papa? ng Regal Films noong 2002.

Simula nang nagkahiwa-hiwalay ang original SexBomb Girls, nagkaroon na ng sariling career ang ilan sa kanila.

Si Rochelle, na lider ng grupo, ay nagkaroon ng ibang manager at nabigyan ng mabibigat na roles sa mga teleserye sa GMA-7.

Si Jopay ay pinasok naman ang pagnenegosyo at successful businesswoman na ngayon.

Si Aira ay nagtayo ng sarili niyang dance studio at isa siya sa nagtuturo sa bagong henerasyon ng SexBomb Girls, ang SexBomb NewGen.

Yung iba naman ay nangibang-bansa, bumalik sa pag-aaral, nag-asawa, at may sarili nang pamilya.

Sa kabila nito, may ilang fans na umaasang magkaroon ng reunion concert ang SexBomb Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN