Minarkahan ng actress-TV host na si G Tongi ang June 30 bilang "National Day of Remembrance" para sa mga biktima umano ng extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito rin ang araw na nagtapos ang kanyang daily show sa LA18 na Kababayan Today.
Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, June 30, nangako si G na hindi nila kakalimutan ang kabi-kabilang patayan hanggang sa makuha nila ang hustisya.
Sabi ni G, na isang kilalang kritiko ni Duterte: “We are marking June 30, the day Rodrigo Duterte was sworn in as Philippine president, as the National Day of Remembrance for the victims of EJKs under Duterte's rule. We vow to remember until the truth prevails. We will never forget until justice is delivered.”
