Sunshine Dizon still hurting a year after collapse of her marriage

IMAGE James Patrick Anarcon

Sunshine Dizon: "Life will never be the same again, it's hard… I choose to stand up and be okay and push through and go on with my life."

 


Isang taon na ang nakalilipas mula nang makipaghiwalay si Sunshine Dizon sa kanyang mister na si Timothy Tan.

Naging masalimuot ang kanilang hiwalayan na umabot pa sa korte.

Kumusta na siya ngayon?
 
Tugon ni Sunshine, “I would say that I’m in a better place right now.

“Life will never be the same again, it’s hard, and yet I’m still thankful.

“I’m still here and okay naman yung mga anak ko.
 
“I choose to stand up and be okay and push through and go on with my life. 

“Siyempre, hindi mo pa rin maiaalis yung... feeling ko, para siyang sugat na ewan ko kung maghi-heal pa.

“Pero nandun na siya, may peklat na.”
 
Inamin ng Kapuso actress na may mga pagkakataong umiiyak pa rin siya.
 
“Yes, yes, there are still some nights… especially when the kids ask things that you cannot answer. 

“Marami pa rin masakit at marami pa rin mahirap.

"Pero yun nga, you just choose to go on and push through. 

“I don’t want to dwell and wallow in my sorrows, it’s such a waste of time, ayoko rin sayangin ang araw ako.

“Kung maiyak ka, umiyak ka, ilabas mo lang. And then after that, you just move on. 

“Ano rin naman, I’m still hoping and praying... meron pa rin naman po akong kaso, yung civil case.”
 
Ongoing pa rin daw ang civil case na isinampa niya sa diumano’y mistress ng asawa niyang si Clarisma Sison.
 
“Ang huling sabi ng lawyer ko, parang they’ll come up with a decision na. 

“Parang pinapa-dismiss ng kabilang side, I don’t know kung anong ground nila!” natawang sabi ni Sunshine.
 
Dagdag niya, “Malalaman natin kung madi-dismiss or go on with a pre-trial na. I’m still hoping for the best.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa taping ng Ika-6 Na Utos, ang seryeng pinagbibidahan niya sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY GIRL. Ngayong araw, July 3, ang ika-34 taong kaarawan ni Sunshine. 

Makikita sa kanyang Instagram account na ipinagdiwang nito ang kanyang birthday sa isang simpleng intimate dinner kasama ang malalapit niyang kaibigan kagabi, July 2.


At katulad noong nakaraang Father’s Day, nakasama rin nilang mag-iina ang kanyang father-in-law.

Hiwalay man si Sunshine sa kanyang asawa, masasabing maganda pa rin ang relasyon niya sa ama nito.


 
Ayon kay Sunshine, “Daddy Chong is like my second dad.

“Wala namang nagbago kahit anong nangyari, si Daddy naman talaga, hindi siya nakialam. 

“He wouldn’t want things to go the other way around.

“But he knows may sarili rin akong pag-iisip at may sarili rin akong desisyon.
 
“Hindi para niya pakialaman yun or i-disregard niya kung ano ang nararapat o nararamdaman ko.”

Samantala, kabilang sa mga dumating sa intimate birthday dinner ni Sunshine sina Iza Calzado, Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Luanne Dy, Carlo Gonzales, at Rap Fernandez.

Second batch ????

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN