Liza Diño reacts to resignation of three MMFF officials

IMAGE Liza Dino-Seguerra on Facebook

Dismayado rin daw si Liza Diño sa mga nangyayari sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival 2017, pero hindi daw siya magbibitiw sa kanyang tungkulin bilang miymebro nito. Paliwanag niya, "This is bigger than myself. As head, I have a duty to serve the entire industry."


Dismayado man sa kontrobersiya kaugnay ng pagpili ng official entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, mananatili pa rin daw si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño bilang miyembro ng MMFF Executive Committee (MMFF).

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, inihayag ni Liza ang kanyang saloobin sa pagbibitiw ng tatlo sa mga kasamahan niya sa MMFF Execom: sina Roland Tolentino, Ricky Lee, at Kara Alikpala.

Nagbitiw ang tatlo pagkatapos ianunsiyo ang apat sa walong official entries ng MMFF 2017: Ang Panday (CCM Creative Productions, Inc.), Almost Is Not Enough (Quantum and MJM Productions), The Revengers (Star Cinema and Viva Films), at Love Traps #FamilyGoals (Octo Arts Films).

Napili ang mga ito base sa isinumiteng script.

Ang nalalabing apat na official entries ay pipiliin base sa natapos nang pelikula.


Stories We Are Tracking

Ricky Lee reveals why he resigned as MMFF 2017 official
Ricky Lee reveals why he resigned as MMFF 2017 official
Resigned MMFF 2017 exec hints at protest vs. four entries
Resigned MMFF 2017 exec hints at protest vs. four entries
MMFF 2017 spokesman answers Rolando Tolentino's festival woe
MMFF 2017 spokesman answers Rolando Tolentino's festival woe

Ayon kay Liza, aware siya sa girian sa Execom bago pa man magbitiw ang tatlo niyang kasamahan.

Pahayag niya sa kanyang Facebook post ngayong Lunes, July 3: “I've actually been talking to sir Ricky, sir Roland and miss Kara even before this happened so I am aware of how conflicted they have been feeling about the opposing views among the committee members.

"As artists, we operate differently esp kung passion at creativity ang tanging puhunan at pinaghuhugutan.

"But there are things that are beyond our control especially in a committee of 24 members na may kani-kanyang pinanggagalingan.

"Since execom is a colegial body, majority wins and that's what was followed.

“Of course. I am not happy with how MMFF is shaping up this year, but I do understand where each sector is coming from.

“Filmmaking is a business as much as it is an art. The hardest part is to find the balance so we can serve both of its purpose.”

MMFF 2016 VS MMFF 2017. Wala pa sa kalahating bilyon ang kinita ng MMFF 2016, kumpara sa lagpas na bilyong kinita ng MMFF 2015 at sa mga nauna pang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos lahat ng entries ng MMFF 2016 ay nasa kategoryang indie films at tumatalakay sa mge seryosong tema.

Ito marahil ang dahilan sa malaking pagbabago sa pagpili ng official entries ngayong taon.

Pahayag pa ni Liza, “Last year, nagtagumpay ang MMFF dahil nakapagbigay tayo ng line up ng mga pelikulang kakaiba sa karaniwang panlasa ng mga manonood.

"Artistically, it was a big achievement for Philippine Cinema.

“But we have to consider that unfortunately, the numbers didn't support that. 400M is not enough to sustain a theater industry.

"In a country where we only have an annual average of 20% audience viewership, they need that Christmas revenue in order to recoup their losses.

"Mahalaga ang audience turnout when we talk about the business side and a 1Billion loss is no joke kahit saang sektor.”

“CHOOSING TO STAY.” Bilang tagapamuno ng FDCP, tungkulin daw ni Liza na patuloy na protektahan ang mga pelikulang Pilipino na makakasali sa filmfest, kaya ipagpapatuloy raw niya ang kanyang trabaho bilang Execom member.

“But MMFF 2017, with its VISION to marry the artistic success of 2016 and commercial successes of the past provided a huge promise of creating a more sustainable model without losing the reforms that were introduced last year.

“Kaya siguro umaalma ang karamihan ngayon dahil hindi akma ang naging resulta ng lineup sa sinasabing dapat na VISION ng MMFF.

"Walang masamang gumawa ng blockbster films. We ALL watch hollywoods money making films.

"Kaso ang tanong, yun ba ang direksyon ng MMFF? Maybe it's about time to take a closer look into aligning the supposed vision with the real intention of the festival.

“Sa mga nagtanong, I am choosing to STAY despite the conflicts that are happening within.

"I know it's always going to be a question of integrity so for that, I salute sir Ricky, sir Roland and Miss Kara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But this is bigger than myself. As head, I have a duty to serve the entire industry.

"Hindi natin pwedeng idamay ang mga pelikulang nakasali. At the end of the day, Pelikulang Pilipino pa rin ang kalahok dito."

PAMUMULITIKA? Hindi naman nagustuhan ni Mae Paner, o mas kilala sa tawag na Juana Change, ang naging pahayag na ito ni Liza.

Si Mae ay bahagi ng selection body ng MMFF 2016.

Komento niya sa post ni Liza: “When you are not happy with how MMFF is shaping up this year, but choose to understand where sectors are coming from, di ba classic na pamumulitika yan?

“Sumaludo ka sa mga nag resign na kumontra dahil di na maipagpapatuloy ang naumpisahan nung 2016 pero pinagtatanggol mo ang mga pelikulang pumasok ngayon?

“Eh di ba sila nga yung tinanggal dati? Sinubukan mo bang pakinggan ang sarili mong salita? You are playing both sides Liza. Di ba trapo move yan?

“You say you are duty bound to stay to serve the entire industry? Nagwawagi ngayon ang pwersang kinalaban dati at pinatatatag mo sila. Malinaw yan!”

Wala pang sagot si Liza sa komentong ito ni Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN