Angel Locsin tells off netizen for questioning Neil Arce's true intentions

IMAGE Instagram (@lalaflores16 @neil_arce

Angel Locsin hits back at netizen for speaking ill of her rumored boyfriend Neil Arce. 


Ipinagtanggol ni Angel Locsin ang rumored boyfriend niyang si Neil Arce laban sa isang netizen, na tila kumukuwestiyon sa tunay na hangarin ng negosyante sa aktres.   

Sa Instagram post ni Angel noong nakaraang linggo, nagpaabot ng sweet comment si Neil kay Angel: “[T]here will never be anyone like you.”


Stories We Are Tracking

Neil to Angel:
Neil to Angel: "There will never be anyone like you."

Sa mga sumunod na komento sa comment thread, may isang netizen (@trust_before_anything) ang bumatikos kay Neil.

Kinuwestiyon nito ang pagiging sweet ni Neil kay Angel, samantalang hindi pa binubura ng businessman ang Instagram posts nito tungkol sa dating girlfriend na si Bela Padilla.


Sagot pa ng netizen sa isang nagkomentong sweet daw si Neil kay Angel: “What’s so sweet of a man who doesn’t delete his sweet ig posts of his ex Bella Padilla?”


Sinabihan din ng netizen si Angel na huwag makipagrelasyon sa katulad ni Neil “who is obviously still hung up on his ex.”

Ayaw raw nitong masaktan muli si Angel. 

“Don’t settle for someone just because you’re comfortable with him. You deserve way better than that,” komento pa ng netizen.


Sumagot dito si Angel, na halatang hindi nagustuhan ang mga komento ng netizen.

Buwelta ng Kapamilya actress, “[A]nd why you think I’ll let you say things like that about Neil, especially on my page?

“Neil is a good person. Wag nyong gawan ng issue yung tao pls.”


Sumagot ang netizen at sinabi nitong gusto lang niyang maging masaya si Angel at huwag na itong masaktan uli.

Sana raw ay suklian siya ng pagmamahal ng mga taong minamahal niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN