Dianne Medina waiting for boyfriend Rodjun Cruz to propose

IMAGE Dianne Medina Instagram

Dianne Medina and boyfriend Rodjun Cruz have been been together for 10 years, so when's the wedding? "Waiting game talaga, si Rodjun lang talaga ang hinihintay ko. Anytime naman I'm ready," she says.


Sampung taon na ang relasyon ng magkasintahang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz, pero wala pa rin daw silang planong magpakasal.

And dahilan, ayon kay Dianne, “We’re still working very hard to save more money.

“Actually, the ball is not in my court right now.

"Waiting game talaga. Si Rodjun lang talaga ang hinihintay ko.

“If you’ll ask me, anytime naman, I’m ready to settle down.”

Inamin din ni Dianne na nakaka-pressure sa kanya yung tinatawag na female body clock.   

“Pressured lang, given my age,” sabi ng 30-year-old actress-TV host.
 
Patuloy niya, “Nagkuwentuhan nga kami ni Bea [Alonzo] sa A Love To Last.

“Sabi niya, ‘Wala pa ba?’ Nakakuwentuhan din niya si Rodjun.

“Excited daw siya na ten years na, ‘Ang tagal niyo na.’  

“Sabi ko, wala pa, wala pa talaga.”

Baka naman hindi pala naniniwala sa kasal ang kanyang boyfriend?
 
“He has plans naman,” mabilis na sagot ni Diane, “kaya lang, masaya pa siya sa career niya sa GMA.  

“Ang dami niyang projects and yun muna raw ang focus niya, yung career niya.”

Katatapos lang ni Rodjun ng Legally Blind at may plano na raw ang manager nitong si Leo Dominguez para sa aktor.

Si Dianne naman ay freelancer sa pangangalaga ni Perry Lansigan. 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at entertainment press si Dianne sa launching ng Success Mall, isang online mall, na ginanap sa PBA Cafe, Metrowalk, Ortigas.

DIANNE AT WORK. Si Dianne ay anchor sa government channel na PTV-4 at kakapasok lang din niya sa primetime series ng ABS-CBN na A Love to Last.
 
Mayroon din siyang events company at production house.

Nag-e-enjoy rin daw siya bilang anchor.

Saad niya, “Masayang-masaya po ako sa PTV-4, most especially when we do At Your Service.

“The segment features the different services of government agency.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-e-enjoy ako kasi, ang dami kong natututunan, nakikilala from different walks of life.”
 
Kahit government channel sila, hindi raw siya naaapektuhan sa mga birada kay Presidente Rodrigo Duterte.  

Hangga’t maaari, binabalanse raw nila ang mga lumalabas na news sa kanila.
 
Ayon kay Dianne, “Ang news naman is not really for the government… we’re in a media, we’re not in a government.

“We’re here to support the President, but as much as possible, we try to neutralize our news, our opinions and views.
 
“Yung morning show naman namin, more on opinion and views.  

“And actually, we don’t have a prompter, so it’s really more on research and studying talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN