Francine Prieto's American husband apologizes to BID; allowed to return to the Philippines

IMAGE @norweirdgian Instagram

Nakabalik na sa Pilipinas at wala na rin sa blacklist ang pangalan ng American husband ni Francine Prieto na si Frank Shotkoski, matapos nitong humingi ng paumanhin sa Bureau of Immigration and Deportation.


Nakabalik na sa Pilipinas at wala na rin sa blacklist ang pangalan ng American husband ni Francine Prieto na si Frank Shotkoski.

Ito ay pagkatapos humingi ng paumanhin sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) si Frank.

Airport-to-airport deportation ang ipinataw na parusa ng BID kay Shotkoski dahil namura niya ang isang immigration official nang mahulog ito mula sa isang hindi umaandar at walang warning sign na elevator sa Centennial Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport noong June 25.

Nangyari ang insidente nang dumating ang asawa ni Francine sa NAIA mula sa biyahe niya sa Singapore noong June 24, 2017.

Ayon sa aktres, dahil sugatan at duguan, nawala sa huwisyo ang kanyang asawa kaya nakapagmura ito.

Pero kagabi, July 3, ay nakabalik na ng Pilipinas si Frank pagkatapos nitong mag-apologize sa BID.

Kuwento ni Francine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakabalik na siya, same arrival time, last night, at 11:55 P.M.

“Nakapag-apologize na rin siya sa mga immigration officer.

“Wala lang dun yung immigration supervisor, nasa ibang terminal daw, and umaandar na yung escalator.”

Isang agricultural scientist si Shotkoski at 20 taon na siyang pabalik-balik sa Pilipinas.

Magtatayo raw ito ng kumpanya sa ating bansa para matulungan ang mga Pilipinong magsasaka.

“Mahal na mahal niya ang Pilipinas. Duguan at puro sugat po siya kaya nakapagsalita nang hindi maganda,” ang paliwanag ni Francine tungkol sa inasal ng asawa niya nang magkaroon ito ng freak accident sa NAIA.


Stories We Are Tracking

(UPDATED) Francine Prieto's husband held at NAIA for cussing
(UPDATED) Francine Prieto's husband held at NAIA for cussing
Francine Prieto hopes travel ban vs husband will be lifted
Francine Prieto hopes travel ban vs husband will be lifted


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN