Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family

IMAGE Reielle Deslate / Facebook

After one woman came out in the open to "expose" how she was scammed by businessman Xian Gaza, the mother of actress Ella Cruz also recounts how her family was supposedly scammed by the fellow.


Nagsalita na rin ang ina ng aktres na si Ella Cruz tungkol sa naranasan nilang panloloko umano ng negosyanteng si Xian Gaza.

Si Xian ay naging viral kamakailan dahil sa billboard invitation nito to have coffee kay Kapamilya actress Erich Gonzales.

Ngayong araw, July 4, ay kumalat naman sa social media ang Twitter posts ng isang netizen na nagngangalang Dewanie Catapang.

Ibinunyag nito ang sinasabi niyang kuwestiyonableng pagkatao ng negosyante.

Biktima siya umano ng pang-ii-scam ng 24-taong-gulang na si Xian, na nagpakilalang CEO ng Hong-Kong based company na Guanxiquian Group.


Stories We Are Tracking

Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer
Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard

JESICA’S POST. Maliban kay Dewanie, lumantad na rin si Jesica Cruz, ina ng Viva artist na si Ella Cruz, upang sabihin na naging biktima rin sila ng kanyang mister ng panloloko ni Xian.

Nitong Lunes, July 3, nag-post sa Facebook ang ina ni Ella bilang reaksiyon sa pagpapagawa ng billboard ni Xian para kay Erich.

Pahayag ni Jesica, “Wow para luminis name nya sa scammer issue nya, may pa billboard naman ngyon... may nauto nanaman sya guys para mag invest sa monkey business nya.” 


Sa comment section, sinagot ni Jesica ang tanong ng isang kaibigan tungkol kay Xian.

Dito ay tinawag ng ina ni Ella na "scammer" ang negosyante.

“Oo sis sya nga. Millionario ek ek daw. Pero scammer nman.

"Recently may issue din yan kc may na scam sya.

"Ngyon gumawa ng ganyan para matabunan issue nya at maka uto nnman ng investo. Sick!”


Sinabi rin ni Jesica na dati nang ini-stalk ng negosyante ang anak niyang artista kaya kilala niya ito.

Sa social media ay makikitang may pictures si Ella kasama si Xian.

Bukod kay Ella, makikita ring maraming kuha ang negosyante kasama ang iba pang mga artista, kabilang na si Liza Soberano.

ELLA’S MOM SPEAKS UP. Kaugnay nito, nakipag-ugnayan ang PEP kay Jesica ngayong hapon, sa pamamagitan ng Facebook at Viber, upang kunan ng karagdagang detalye sa kanyang Facebook posts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, isa raw fan si Xian na nang-stalk sa anak niyang si Ella.

Ito raw ang dahilan kung bakit may kuhang magkasama ang dalawa.

Pagkatapos nito ay hiningan namin siya ng paliwanag kung bakit tinawag niyang "scammer" ang negosyante.

Ayon kay Jesica, may nilapitan si Xian na kakilala nilang producer dahil gusto niyang makisosyo para sa isang concert ni Ella.

Pero napansin daw niyang kaduda-duda ang kilos ng negosyante.

Lahad niya, “The business partner na sinasabi ko sa 'yo, producer sya sa Qatar. Hiningan niya ng DP [down payment] 'yan for Ella.

"Wala naman siyang ibinigay sa amin, kaya naloka si Qatar guy.

“May mga convo sila na babayaran daw niya si [Qatar] guy, pero walang napapadala na money.

“Tsaka may issued check sa amin na hindi naman niya [Xian] napondohan."

Dagdag pa ng ina ni Ella tungkol kay Xian, "Mahilig manggamit ng artista.

“Kay Ella, wala naman siyang atraso, naging feeling lang siya.”

Sa social media posts ni Xian kasama si Ella, may kalakip itong sweet messages para sa aktres.

CHECK ISSUE. Sabi pa ni Jesica, may mga tsekeng hawak ang mister niya na galing kay Xian na hindi na-encash.

Noong December 2016 raw ay binalak ng negosyanteng bilhin ang isang Fortuner sa mister ni Jesica na si Thristan Cruz, na may buy-and-sell car business.

Post-dated check daw ang iniabot ng negosyante na naka-petsa ng pagkatapos ng Pasko.

Pero lagi umanong nagdadahilan ang negosyanteng i-hold muna ang tseke dahil babayaran daw niya ito ng cash.

“Hindi pala napasok ni Papi yung tseke niya kasi pinapa-hold daw lagi at ika-cash na lang.

“After New Year, nag-ask ulit kami kung may fund na yung cheke.

“Ginagawan daw niya ng paraan kasi he's having a financial problem, at andun nga daw siya sa dad niya para umutang.

"Days passed.. wala pa din.

“So Papi asked baka puwedeng isoli na lang niya yung sasakyan bago pa kami magkaproblema nang malaki, kung talagang hindi niya kayang pondohan yung tseke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinabukasan, isinauli niya yung car."

Sa huli, sinabi ni Jesica na hangga't maaari sana ay ayaw niyang magsalita, dahil gusto raw talaga ng negosyante ang atensiyon.

Ngunit napilitan na rin siyang magsalita upang ibulgar kung ano ang tunay na pagkatao ni Xian.

“Akala niya siguro walang lalabas na baho niya,” sabi pa ng ina ni Ella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN