Erwin Tulfo to transfer to PTV-4 after resigning from TV5?

IMAGE Facebook

Ayaw pang idetalye ni Erwin Tulfo ang kanyang magiging aksiyon matapos niyang mag-resign sa TV5. Pero masaya naman daw siyang may offers kaagad sa kanya ang ilang TV at radio stations. 


Sina Erwin Tulfo at Cherie Mercado nga ba ang uupo bilang bagong anchors sa primetime newscast ng PTV-4 simula ngayong Agosto?

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph (Philippine Enteratinment Portal) ngayong Martes, July 4, muli raw magsasama ang dating TV5 anchors sa government-owned television station upang pangunahan ang primetime newscast katapat ng TV Patrol ng ABS-CBN at 24 Oras ng GMA-7.

Wala nang ibang detalye ang balitang natanggap namin, pero humingi kaagad kami ng pahayag kina Erwin at Cherie sa pamamagitan ng text messaging.

Nitong nakaraang Biyernes, June 30, nag-resign si Erwin sa Radyo 5.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng radio-TV host na magpapahinga lamang siya ng isang buwan at babalik na siya sa ere sa ibang istasyon.

Si Cherie naman ay kaka-resign lamang bilang undersecretary ng Department of Transportation (DOTr) nitong nakaraang buwan.

Nagkasama nang matagal sina Erwin at Cherie sa news department ng TV5.

Samantala, kung may katotohanan ang pagsasama nila sa PTV-4, ito kaya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng reorganization sa news department ng government-owned station?

Kamakailan ay nabalita ang pagsibak sa ilan sa kanilang reporters at newscasters, kabilang na si Kathy San Gabriel.


Stories We Are Tracking

PTV-4 news anchor terminated without notice, grounds
PTV-4 news anchor terminated without notice, grounds

ERWIN EXPLAINS RESIGNATION FROM TV5. Ngayong hapon, nakausap ng PEP sa telepono si Erwin Tulfo.

Mahaba ang naging usapan namin, ngunit ang aming inilathala lamang ay ang ilang detalyeng kanyang pinayagang ipaalam sa publiko.

Ayon sa newscaster at radio commentator, inunahan na niya ang nakaambang suspension sa kanya ng Kapatid network sa pamamagitan ng pagre-resign.

Ang nakarating sa PEP, dapat daw ay papatawan ng tatlong-buwang suspensiyon ng TV5 management si Erwin dahil sa kanilang alitan ng co-News5 anchor na si Ed Lingao sa social media.

Pero ayon kay Erwin, patapos na ang kontrata niya sa istasyon kaya kinukunsidera niya ang ibang options sa kanyang broadcasting career sa labas ng TV5.

Marami naman daw siyang options sa labas ng istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Erwin na “personal at professional” ang dahilan ng kanyang pag-alis sa istasyong pinagsilbihan niya ng halos pitong taon.


Stories We Are Tracking

Erwin Tulfo resigns from TV5
Erwin Tulfo resigns from TV5

TWO TV NETWORKS. Sa pakikipag-usap niya sa PEP, sinabi ni Erwin na may alok sa kanya ang dalawang TV networks at dalawang radio stations para sa muling pagbabalik niya sa ere.

Wala pa raw siyang konkretong plano sa ngayon kung saan siya lilipat dahil magbabakasyon muna siya.

Ngunit inamin ni Erwin na isa sa mga nag-alok sa kanya ay ang PTV-4 at isang major network na ayaw niyang pangalanan.

Sabi pa niya, “Nag-usap kami ni Secretary Martin Andanar para sa PTV-4, gusto niya kasi palakasin ang news niya.

"Magkakaroon sila ng relaunch na ilalaban niya [sa ibang major networks].

“Knowing Martin na galing sa TV, gusto niya pagandahin at gawing competitive ang PTV-4 with the other networks.”

Inalok daw siyang pamunuan ang 6 o'clock news ng istasyon kasama si Cherie Mercado, na kinakausap pa rin daw kung papayag.

Kung matuloy man ito, makakasama nila si Aljo Bendijo na matagal na ring newscaster ng istasyon.

Bukod pa rito, may isang major network din daw ang-alok sa kanya ng posibleng trabaho, ngunit ayaw pa niya itong pangalanan.

TWO RADIO STATIONS. Malaking factor daw para kay Erwin ang radyo, kaya isa rin ito sa magiging basehan kung saang istasyon siya papasok.

Aniya, ang PTV-4 na may mahigit 30 radio stations—ang bagong bihis na Radyo Pilipinas mula sa dating pangalan nitong Radyo ng Bayan—ay malaking bagay rin para sa kanya bilang tri-media personality.

Dagdag pa niya, kung sa PTV-4 siya lilipat ay may nakahanda nang timeslot para sa kanya, kung saan nationwide ang kanyang magiging broadcast.

Samantala, ang isang major TV station na nag-alok sa kanya ng trabaho ay wala raw maiaalok na timeslot sa kanilang radio arm dahil puno na ito ng local programs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-iisipan din daw niya ang alok ng isa pang radio station.

May timeslot na rin daw na nakahanda para sa kanyang magiging programa rito na magsisimula rin sa Agosto, kung sakaling tanggapin niya ang alok. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN