Aiza Seguerra reveals plan to change his name even before Jake Zyrus did it

IMAGE Noel Orsal

Aiza Seguerra on Jake Zyrus: "I only hope that, by him, you know, coming out and finally embracing his identity, his gender identity—not just him, but me and others also—mas magkaroon ng kaluwagan at pagtanggap ang mga tao for people like us. Because, at the end of the day, this is us. This is who we are and, you know, we're not doing it to hurt people. We're not doing it to hurt people we love. We have to really live our truth, and this is our truth."


Suportado ni National Youth Commission chairperson Aiza Seguerra ang pagpapalit ng pangalan ng kapwa-singer at transman na si Charice Pempengco bilang si Jake Zyrus ngayon.

Pahayag ni Aiza, “I’m very happy for Jake.

“Para sa akin, it takes courage to come out of the closet.

"And, kumbaga, if it’s hard na for lesbians and gays, it’s harder for trans people like us.

“Mahirap siya dahil marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng transgender.

"So, for him to be able to do that, hindi biro to really come out and... alam mo yun? 

"I’m really proud of him."

Patuloy niya, "Ako, I always say na if kahit ano pa ‘yan, pangalan mo or kung ano pang bagay sa tingin mo nagiging deterrent para mailabas mo kung sino ka talaga, if you need to change your name to be able to do that, then go.” 

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino, na ginanap sa Sequioa Hotel, sa Panay Avenue, Quezon City, noong Biyernes, June 30.

CHANGING HIS NAME. Pumasok din ba sa isipan ni Aiza na palitan ang kanyang pangalan nang lumabas siya bilang transman?

“Yeah, oo naman,” walang atubili niyang sagot.

Dagdag niya, “Liza [Diño, his wife] and I have been discussing it bago pa man lumabas ang tungkol kay Jake.”

Ano ang sabi ni Liza?

“Ano naman siya... she really supports me.”

Just in case, may naisip na ba siyang bagong pangalan?

“May pinag-uusapan kami, and it’s not really far from my name.

"Kasi, ever since naman nung high school ako, nickname ko na is Ize.

"Yun lang. Yun ang tawag sa akin.

“Actually, yun naman ang tawag sa akin ng mga friends ko ngayon, kasi nga malapit sa pangalan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gagamitin niyang apelyido?

Sagot ni Aiza, “Seguerra pa rin. Ize Seguerra, that’s it.

“So, kumbaga, to really... to launch myself as Ize, siguro right now, hindi ko pa siya naiisip because I’m very busy doing things.

“But ayun, my wife and I, we discussed it na... ‘Love, what if sa February we want to, transition... start transitioning?’ 

“Sabi niya, ‘You really want to do it?’

"Sabi ko, ‘Yeah, I’ve been wanting to do it. Will you support me?’

"‘Yes, I will support you.’ So, ayun.”

Hindi naman niya ito gagawin dahil na-inspire siya sa ginawa ni Jake?

“No,” tanggi ni Aiza.

“Actually, even before he came out, we've been discussing it.

"Siyempre, may mga considerations lang."

JUST A SCREEN NAME. Paglilinaw ni Aiza, kung sakaling magpalit siya ng pangalan ay para lang sa screen name niya, gaya ni Jake Zyrus.

“Oo, ako rin siyempre, screen name lang.

“Legally, you can’t.

"In the States, you can. In the States, you can legally ano na.

"But so far, I like my name. I just have to change Aiza to Ize, that’s it.

"But my surname, ayun pa rin.

“Siyempre iba rin, e, like... alam mo, mahirap din, e.

"Siyempre ang pangalan mo sa documents, Cariza, e. Parang siyempre...” natatawa niyang sabi.

If ever, gusto ba niyang gawing legal ang paggamit ng Ize Seguerra?

“Wala pa ako doon. But that’s an option.”

GENDER REASSIGNMENT. Open din ba siya sa ideya na magpa-sex change?

Sagot ni Aiza, “Transition in terms of hormones, yes.

"Gender reassignment? I’m not there yet.

“So, that’s different, e...

“But gender reassignment, wala pa ako doon.

"Wala pa ako doon siguro because hindi pa rin ganoon masasabi nating advanced yung sistema.

"Hindi pa rin ganun ka-advance dito sa atin ang science.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even sa abroad, e. It’s still... mas nag-advance yung para sa transwomen.

“Siguro dahil mas marami ang transwomen more than transmen.

"So, yun ang nag-advance.

“Yung transmen, ngayon pa lang talaga.

"Siguro in the near future, if I see that...

“It depends. I’m not closing my doors.

"I’m not saying, yes, I will do it. But I’m not closing my doors.”

MESSAGE FOR JAKE ZYRUS. May mensahe o payo ba siyang nais iparating kay Jake Zyrus?

Saad ni Aiza, “Well, I don’t think I need to give him any advice, because he’s doing what I think, by being courageous enough to express who he really is.

“Yun nga, e, I admire his courage because not everyone has the guts, especially in a country like ours na napaka-conservative, di ba?

“I’m hearing a lot of bad things, especially on the part of his family.

“But, yun nga, like what I’ve said, this is something that many people can’t understand.

"And I only hope that, by him, you know, coming out and finally embracing his identity, his gender identity—not just him, but me and others also—mas magkaroon ng kaluwagan at pagtanggap ang mga tao for people like us.

"Because, at the end of the day, this is us. This is who we are and, you know, we’re not doing it to hurt people.

“We’re not doing it to hurt people we love.

"We have to really live our truth, and this is our truth."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN