Jinggoy Estrada slams Sen. Antonio Trillanes for calling pro-Duterte senators cowards

IMAGE Courtesy of GMA News

Former Senator Jinggoy Estrada (right) to Sen. Antonio Trillanes (left): "Kung wala kang magandang sasabihin sa mga kapwa mo senador, you better just keep your mouth shut! The guts to even say that the Senate in which you belong, is one of the most damaged institutions in the government! How dare you say that!"


Kahit tapos na ang panunungkulan niya bilang senador at nakakulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame, hindi pinalampas ni former Senator Jinggoy Estrada ang pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV na duwag ang mga senador na kaalyado ni President Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, hindi nangimi si Estrada na sabihing si Trillanes ang tunay na duwag.

Pahayag niya, “Nabasa ko na naman ang iyong pahayag na tinatawag mo ang mga pro-Duterte senators na mga duwag.

“Alam mo Ginoong Trillanes, kung binabasa mo lang ang ating rules ng senado, hindi ka dapat magsalita laban sa kapwa mo senador.

“That is totally uncalled for, lalong lalo na tinawag mo silang duwag.”

Binalikan ng nakapiit na dating senador ang mga insidenteng nagpapatunay umano ng karuwagan ni Trillanes.

“Duwag kamo? Kung naalala mo nuong nakipag-debate ka kay Senate President Enrile, di ba nag walk-out ka sa kalagitnaan ng debate dahil wala kang maisagot sa mga tanong ni SP Enrile?

“Sino ngayon ang duwag? Maliwanag pa sa sikat ng araw na ikaw ang pinaka-duwag sa lahat ng mga senador na nakasama ko.

“In case you don't know the meaning of cowardice, Sen. Trillanes, let us define clearly the definition of cowardice.

“Accdg. to Webster dictionary, it is lack of courage or firmness of purpose.

“Remember the coup de etat that you staged in the Manila Peninsula? If you were really firm and had the courage to fulfill your mission, then you shouldn't have surrendered.

“Nakarinig ka lang ng mga putok ng baril galing sa mga pulis, unang-una ka nag-surrender! Ano tawag mo dun? Di ba, act of COWARDICE yun?

“Now please tell me Sen. Trillanes, sino sa mga kapwa senador mo ang mga duwag?

“Malamang kapag nagbanggit ka ng pangalan, di ka nila lulubayan sapagkat wala akong kilalang duwag na senador ngayon maliban sa iyo!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Estrada, “Kung wala kang magandang sasabihin sa mga kapwa mo senador, you better just keep your mouth shut!

“The guts to even say that the Senate in which you belong, is one of the most damaged institutions in the government! How dare you say that!

“So, what are you waiting for? Better RESIGN now.

“Honestly, the Senate doesn't need senators who are certified cowards like you!”

Si dating Senador Jinggoy Estrada ay naka-detain sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder at graft kaugnay ng pagkakasangkot niya sa pork barrel scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN