Jerald Napoles admits to hanging out in gay clubs

IMAGE Noel Orsal

Jerald Napoles says he has straight buddies and he has gay friends, "Pag nangangailangan ako ng basketball tsika, yung mga straight. Pag nangangailangan ako ng tsikang nakakatawa, bading."


Wala raw pangamba si Jerald Napoles na makasama ang mga bading.

Sabi nga niya, “Nung hindi pa ako napapanood sa TV, pag niyaya mo ako sa O Bar, kaibigan kitang bading, pupunta ako!”

Ang O Bar ay kilalang gay club sa Metro Manila, at aminado si Jerald na pumupunta siya doon.

“Oo, wala akong malisya, e, lalaki ako, straight ako, gusto kong uminom.

“And yung gay clubs, they have the best dance music, so pupunta ako dun.

“Wala, wala sa akin, pag niyaya ako.”

ALDEN’S BUDDY. Ang mga kaibigan daw ni Jerald ay halong gays at straight.

Sabi niya, “Pag nangangailangan ako ng tsikang nakakatawa, bading. 

“Pag nangangailangan ako ng basketball tsika, yung mga straight.”

Sila ni Alden Richards, na kasama niya sa Sunday PinaSaya ng GMA Network, ay very close din.

Ayon kay Jerald, “Usapang ano kami ni Alden, usapang negosyo, kung ano yung ginagawa niya, kung ano ang mga naipupundar niya.

“Si Alden kasi, alam niya ang gagawin niya... mas pupundar siya sa negosyo.

“He won’t buy expensive shoes, but he will buy expensive watches, kasi investment yun, e."

Pero pagdating sa pag-ibig ay tila mas may alam si Jerald kaysa kay Alden.

Aniya, “Kasi ang focus niya talaga, magtrabaho, magtrabaho.

“Ako, thirty-four na, kaya ko na walang love life, trabaho lang.

“Sabi ko kay Alden, ‘Sige ‘tol, kung kaya mo naman, bilang mas bata… magtrabaho ka lang.’

“Kasi hindi natin alam kung kailan mawawala  ito, e. Laging may bago, laging may bata, laging merong bagong discovery.

“Sa dinami-dami ng reality show sa TV, ang daming guwapo at talented na nadi-discover.”

Walang girlfriend si Jerald, pero dati ay na-link sila ni Aicelle Santos nang nagkasama sila sa musical play na Rak of Aegis.

Ano naman ang masasabi niya na maligaya na ngayon si Aicelle sa piling ng GMA newsman na si Mark Zambrano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jerald, “Deserve naman ni Aicelle yun, she’s at the right age na rin kung gusto niyang lumugar sa tahimik.

“We’re just very close, happy ako para sa kanila, 'tsaka okay si Mark, e.

“So, pag tsika, inuman, nandito na rin siya. Okay yung tao.

“Nung Rak of Aegis, laging nandito si Mark,” pagtukoy ni Jerald sa PETA Theater sa Quezon City, kung saan siya nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa musical play na Care Divas.

GAY ADMIRERS. Naligawan na ba si Jerald ng bading?

Pag-amin niya, “Oo, oo, naligawan na siyempre, may tsansing din agad!

“Yung ligaw, hindi naman sinasabing, ‘Ligawan kita!’

“Hindi naman ganun, e. Siyempre parang lalakin din 'yan, e.

“Meron na, ‘Sama ka, sama ka naman, inuman tayo!'

“E, ako siyempre wala naman akong pera nun, libre, so join, nomo!

“Tapos, ‘O, magsa-shopping ako, samahan mo ako!’ Go!”

Pero hanggang doon lang daw naman umabot si Jerald.

“Pag magsa-shopping, usually barkada, e, yung, ‘Isama mo, isama mo.’

“Hanggang sa hindi na sa akin nagpo-propose, dun na sa mas pogi sa akin!

“Kasi may kasama akong mas pogi sa akin! So, nauuwi dun sa kasama kong pogi!” natatawang kuwento ni Jerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN