Gretchen Barretto, Atong Ang embroiled in alleged VIP treatment incident at NAIA

IMAGE GMA News / Instagram @gretchenbarretto

Gaming operator Atong Ang on alleged VIP treatment at the airport: "When I was about to take the long immigration queue, somebody courteously approached me to follow him which I did without hesitating. I do not know the person who approached and guided me... I have not requested for any courtesy assistance." Ang was with actress Gretchen Barretto and other companions when the incident happened.


Sangkot ang aktres na si Gretchen Barretto at gaming operator na si Atong Ang sa insidente kung saan binigyan diumano sila ng VIP treatment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, noong Linggo, Hulyo 2.

Ayon sa ulat ng 24 Oras kagabi, Hulyo 4, napag-alaman mula sa Bureau of Immigration (BI) memorandum na sinundo diumano sina Gretchen at Atong ng isang “escort”  upang mapabilis ang kanilang pagdaan sa Immigration counter ng airport.

Magkasama umano sina Atong, Gretchen, at kanilang grupo na dumating sa NAIA Terminal 1 mula sa flight galing Bangkok, Thailand.

Kinilala ang “escort” bilang si Ciriaco Peralta, isa umanong retiradong pulis.

Nakasaad din sa memo ng BI port operations division—na may lagda ng acting chief na si Marc Red Parinas at isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente—na mayroong suot na access pass mula sa Pass Control Office si Peralta.

Namataan pa umano si Peralta nang ipaalam nito sa isang tauhan ng BI Border Control and Intelligence Unit na siya ang escort na susundo kina Gretchen at Atong.

Ito ay sa kabila ng mahigpit na ipinagbabawal ng BI ang pagbibigay ng VIP treatment upang mapabilis ang pagdaan sa Immigration ng dumarating o umaalis na airport passenger.

Ngunit nilinaw ni Parinas na sa kanilang paunang imbestigasyon ay lumabas na walang Immigration officer na tumulong kay Peralta sa pag-escort kina Atong at Gretchen.

ATONG'S STATEMENT. Sa hiwalay na ulat ng GMA News Online, itinanggi ni Atong ang pagkakasangkot niya sa diumano'y VIP treatment incident sa airport, lalo pa't wala raw siyang kilalang Immigration officers.

Aniya, "When I was about to take the long Immigration queue, somebody courteously approached me to follow him, which I did without hesitating.

“I do not know the person who approached and guided me... I have not requested for any courtesy assistance.”

Si Atong ay kilalang malapit na kaibigan ni Gretchen at ng longtime partner ng aktres na si Tonyboy Cojuangco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa birthday party ni Gretchen noong March 2016, nagbahagi ang aktres ng Instagram post ng larawan nila ni Tony Boy, Atong, at iba pa niyang mga bisita.

Si Atong ay gaming operator ng online jai alai ng Meridien Vista Gaming Corp, habang si Gretchen ay kilalang masigasig sa pag-promote ng Okada Manila.

Si Tonyboy ay business partner ng Japanese billionaire na may-ari ng nabanggit na hotel and casino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN