Is Luis Manzano a threat to James Reid after Nadine Lustre was named FHM Sexiest Woman?

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on handling jokes and memes: "Malakas akong mang-asar. Napaka-unfair naman na malakas akong mang-asar, mabilis akong mapikon. Iba ang pang-aasar sa attack. Iba yung asar lang na kulitan. Pag inasar mo ako makikipagkulitan ako, but if you attack me, my family, that's completely different."


May mga meme sa social media na pumupuna na lahat daw ng nagiging girlfriend ni Luis Manzano ay nangunguna sa FHM Sexiest Women poll.

Kabilang dito sina Jennylyn Mercado, Angel Locsin, at ang current girlfriend ng TV host na si Jessy Mendiola.

Kaya may mga nagbiro na dapat daw at mag-ingat si James Reid kay Luis dahil ang 2017 FHM Sexiest Woman ay ang girfriend ng una na si Nadine Lustre.

Ipinagkikibit-balikat lang naman ni Luis ang birong ito.
  
Sabi niya, “Nakita ko nga, e... Congrats kay Nadine!

“Hindi, okay na ako. Kumbaga, lumagay ako sa tahimik.

“Palabiro din akong tao, those things naman kaya kong pagtawanan din.

“Malakas akong mang-asar. Napaka-unfair naman na malakas akong mang-asar, mabilis akong mapikon.

“Iba ang pang-aasar sa attack. Iba yung asar lang na kulitan.

“Pag inasar mo ako makikipagkulitan ako, but if you attack me, my family, that’s completely different.

“Yung asaran, diyan ako nabubuhay.

"Bakit ako magrereklamo kung may taong may pagkapilyo sa akin? Hindi yun attack.”

PROUD BOYFRIEND. Proud naman si Luis na nanatili si Jessy sa Top 10 ng FHM Sexiest Women list.

Noong 2016 ay si Jessy ang itinanghal na FHM Sexiest Woman in the Philippines, at ngayong taon ay pumang-apat naman siya sa annual poll ng men's magazine.
    
Sabi ni Luis, “I’m thankful they still believe in her and her sexiness.

“Mahirap naman talaga mag-top one all the way.

“Sa dami ng mga hinahangaan, both ng kababaihan at kalalakihan ngayon, the fact na naka-number four siya, wow, congrats!
    
“The point is, you’re being able to be on the top spot."

ANNIVERSARY MOMENTS. Marami naman ang kinilig sa video post ni Jessy na naiyak sa tuwa sa anniversary gift sa kanya ni Luis na isang cute na aso.

Pagbabahagi ng TV host, “Kasi that morning, sabi ko, ‘I’m not giving you anything.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para kasing gusto niyang kumuha ng dog.

"Sinabi ko na, ‘Wala, wala tayong kukunin na aso. Okay na ako, marami na akong inaalagaan na aso, ayoko nang magdagdag.’

“Hindi niya alam, nandun pala sa bahay the whole time.

“Pagdating nga sa bahay, nandun na nga yung aso.
  
“Never pa kasi siya nagkakaroon ng sarili niyang aso.

"Mayroon silang family dog, pero never siyang nagkaroon ng sarili niya.

“E, di baby na namin ngayon si Chewy, parang si Chewbacca sa Star Wars, same color sila, e.”
  
Nag-staycation din sila sa Solaire bilang parte ng selebrasyon ng kanilang first year anniversary.

Ayon kay Luis, “Nung time na yun katatanggal lang ng cast ko so di pa ako masyadong makagalaw.

“We were thinking we go out of the country pero it will be very, very difficult.

“Gusto niyang mag-ikot, hindi kaya ng paa ko.

“Nag-staycation na lang kami, babawi na lang kami out of the country another day.”

Kamakailan ay umuwi ng Pilipinas ang foreigner father ni Jessy.

Balita ngang na-meet at naka-bonding ni Luis ang ama ng kasintahan.
  
Kuwento niya, “Okay naman, pareho kami ng humor.

“Makulit din si Tito, sobrang kulit din. It was a nice moment para sa aming dalawa.

“He was here siguro for a week and a half, siguro lumabas kami almost every day.
    
“Si Jessy, makulit din naman siya, nakikita ko yung similarity ng bato-bato nilang punchlines.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN