Luis Manzano says girlfriend Jessy Mendiola is "the strongest person I know"

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano is going to bat for girlfriend Jessy Mendiola against her bashers. "Lahat ng pinupukol sa kanya, wala namang katotohanan o walang basis," he says. "Especially haters, they are failures, they are looking for something to validate their failures… to make them feel better about themselves."


Bilib na bilib daw si Luis Manzano sa tapang at tatag ng kasintahang si Jessy Mendiola na harapin ang bashers nito.
  
Saad ng Kapamilya TV host-actor, “That’s why I say she’s the strongest person I know.

“Lahat ng pinupukol sa kanya, wala namang katotohanan o walang basis.

“Especially haters, they are failures, they are looking for something to validate their failures. 

“So, maghahanap sila, 'Sino ba ang puwedeng i-target para lang I feel better about myself?'

“Yun ang premise ng haters… to make them feel better about themselves.

"So, whether true or not, makikisakay sila sa issue."

Dagdag ni Luis, “Kahit naman ako, we all have our moments, kahit pa ang pinakamatapang.

“Pero sabi ko nga, she’s the strongest person I know sa lahat ng nangyari, and I appreciate her even more.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa set ng It’s Showtime, nitong Lunes, July 3.

WAS JESSY AXED? Nagbigay rin ng pahayag si Luis sa balitang tinanggal diumano si Jessy sa ABS-CBN gag show na Banana Sundae dahil may attitude problem daw ang aktres.

Ayon pa sa lumabas na kuwento, kinausap daw ni Luis ang wardrobe assistant na umano'y nakaengkuwentro ni Jessy para mag-usap ang dalawa.

Hindi rin daw nagkaintindihan ang dalawa na naging dahilan kung bakit nawala si Jessy sa show.

Paglilinaw ni Luis, “No, I know Jessy, it had nothing to do with that.

“Jessy din wants to rest... I think she will do another one soon.

“Mayroon siyang aayusin na show very soon, so she has to take care of that.”

Hindi totoong natanggal si Jessy sa show?

Sagot ni Luis, “No, no naman.

"Those details, hahayaan ko na sa production, baka kung ano pa ang masagot ko.

“May mga kinausap ako kung ano talaga ang nangyari sa isang incident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa dami ng nabasa kong articles, 90 percent ng nabasa ko, untrue.

“It’s sad people would still believe that 90 percent.”

HITTING BACK BLINDLY. Ito rin daw ang dahlian kung bakit hindi niya pinalalampas ang maaanghang na comments sa social media.
   
Paliwanag niya, “Hindi ako naniniwala sa sinasabi na pag di totoo, huwag magre-react, because it leaves negative image.

“Sabihin mo, there’s an article about me, di pinangalanan, blind item. 'Hindi, hindi ikaw ‘yan, bakit ka magre-react?'

“Pero kung may makakabasa, yun ang maiiwan na image sa utak niya about me. 

“Kahit na anong article that is misleading, sabihin mong di totoo, pag may nakabasa pa rin, yun ang huling papasok sa utak nila.

“I’m not believer of those na huwag kang mag-react.

“You’re still leaving a thought sa tao…

"It’s unfair. Para kang nakikisuntok pero nagtatago ka agad, from articles, from blind items, lahat.

“Para kang susuntok, pero di mo pinapakita kung sino ka. 

“Nag-explain ka, ikaw pa ang masama.”     


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN