Xian Gaza cries foul over Ella Cruz mom's allegations: "Hindi po ako isang stalker."

IMAGE Facebook photo of Xian Gaza

Xian Gaza to Ella Cruz's mom, who accused him of being a stalker of her daughter: "Alam niyo po kung gaano ako nagpakatanga at gaano lubusang minahal ang anak ninyo noon."


“HINDI PO AKO ISANG STALKER.”

Ito ang mariing depensa ng businessman na si Xian Gaza sa pahayag ng ina ng aktres na si Ella Cruz.

Nang maging viral ang ginawang billboard ng 24-year-old businessman para imbitahan sa isang coffee date ang aktres na si Erich Gonzales, nag-post ng ilang status ang ina ni Ella na si Jessica Cruz.

Sa naturang post, inilarawan ni Jessica si Xian bilang “scammer” at “stalker.” 

Sabi pa niya tungkol sa negosyante: “Millionario ek ek daw. Pero scammer naman.”



Binura na ng ina ni Ella ang mga nauna niyang Facebook posts tungkol kay Xian.

Si Xian naman ay nag-post ng mga larawan at videos na nagpapatunay na ilang beses niyang nakasama si Ella at ang ina nitong si Jessica.

Pahayag ni Xian: “It was clearly quoted from the article of pep.ph that Ella Cruz officially acknowledged me as a former legitimate business partner of the family pero noong sobrang pumutok na ang #CoffeeWithErichbillboard ko and so with my name ay bigla na akong naging 'scammer with a monkey business.'

“Ano pong kinalaman ng billboard ko sa inyong pamilya?

“Hindi naman po iyon #CoffeeWithElla, diba?

“Ang hirap kapag ang umakusa saiyo ay ina ng isang kilalang artista dahil napakataas ng credibility nito sa mata ng publiko.

“Automatic ay sisintensiyahan ka ng lahat ng tao nang walang kalaban-laban.”

Nabanggit din ni Xian ang naging damdamin niya para kay Ella noon.

“Alam niyo po kung gaano ako nagpakatanga at gaano lubusang minahal ang anak ninyo noon. Puros kabutihan po ang ipinamalas ko sa inyong buong pamilya.”


Stories We Are Tracking

Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family

NOT A SCAMMER. Sa parehong post, muling ipinaliwanag ni Xian kung bakit hindi niya itinuloy ang pagbili sa sasakyan ng mga magulang ni Ella.

Aniya, “I didn't scammed your family, it was a failure to execute not a fraudulent act and paid Php50,000 as damages over the failed Toyota Fortuner deal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, sumablay po ako at aminado po ako doon kaya nga po ako nag-danyos diba.

“Higit po sa lahat ay HINDI PO AKO ISANG STALKER.

“Sana'y linisin niyo po ang pangalan ko sa mata ng publiko dahil ang maling alegasyon po ninyo ay sobrang sinira ang reputasyon at pagkatao ko.”

Sinubukan ng PEP na muling hingan ng pahayag ang ina ni Ella tungkol sa bagong post ni Xian.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pa kaming nakukuhang tugon mula sa kanya.

Samantala, sa panayam ng PEP.ph kay Ella, sa pamamagitan ng private messaging sa Twitter, ito ang sinabi ng aktres tungkol sa negosyante: “Hindi po [naging kami]. Hindi rin po [siya] nanligaw.”


Stories We Are Tracking

Ella Cruz says businessman Xian Gaza never courted her
Ella Cruz says businessman Xian Gaza never courted her
Businessman Xian Gaza admits to being a
Businessman Xian Gaza admits to being a "former scammer"

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Ella at ng kanyang ina sa bagong sinabi ni Xian tungkol sa naging relasyon nito sa kanila.

"EDITED" INDECENT MESSAGES. Kaninang umaga, nagpadala ng private message si Xian sa PEP Facebook page upang magpaliwanag.

Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon upang tanungin siya tungkol sa isa pang isyung ipinupukol sa kanya ng ilang netizens—ang diumano'y indecent conversations niya sa ilang female netizens na kinokontak niya para sa diumano'y business proposal.

Pero ayon kay Xian, “fabricated” at “edited” ang mga lumalabas na messenger screen shots sa kanya.

Pahayag nito, “Yes I'm not a saint and sometimes yes, as a very single guy I do mingle and flirt but sadly I can see some fabricated and edited messenger conversations just to twist the truth and turn the table against me.

“Character assassinations everywhere against me by the public, so depressing.”

LEARNED MY LESSON. Sa isa pa niyang Facebook post, sinabi ni Xian na naging leksiyon sa kanya ang ginawang grand gesture para makuha ang atensiyon ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

“Lessons learned the very hard way indeed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Billboard pa more Xian! I am blessed with a phenomenal job and a great life to live together with my inner circle.

“Imma gonna turn another page of my life now and move forward.

“Forgive me for polluting all your news feeds for the last 4 days. I am Xian S. Gaza and I rest my case.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN