Claudine Barretto reconciles with her siblings

IMAGE @claubarretto on Instagram

Nagkaayos na si Claudine Barretto (dulong kaliwa) at mga nakaalitan niyang kapatid na sina Jay-Jay Barretto (dulong kanan) at Michelle Barretto (pangalawa sa kanan). Nag-bonding ang magkapatid kagabi, July 5, kasama ang kanilang inang si Inday Barretto (sa likod ni Claudine). 


Matapos ang lagpas apat na taon, nagkabati na si Claudine Barretto at ang mga nakaalitang kapatid na sina Joaquin ‘Jay-Jay’ Barretto at si Michelle 'Mitchie' Barretto.

Kagabi, July 5, nag-post sina Claudine at Jay-jay sa Instagram ng halos magkaparehong larawang kuha sa isang restaurant.

Kasama rin nila sa larawan ang kanilang inang si Estrella 'Inday' Barretto.

Sabi ni Claudine sa caption: “@jjbarretto with my Mom, mommy Mich & Brother JJ... i can live without a boyfriend, husband but i cant live without Jj. i luv him too much.”

 

Samantala, inilarawan naman ni Jay-Jay ang pagsasama nila bilang “Bonding at dinner date with my two sisters.” 

Bonding ,dinner date with my two sisters.,

A post shared by Joaquin Barretto (@jjbarretto) on

Nagkomento rin si Claudine sa kanyang post.

Napagtanto raw ng aktres na mahal niya ang kanyang kuya at tapos na raw ang alitan nila.


Ikinatuwa naman ng maraming followers ni Claudine ang positibong pangyayaring ito sa kanilang pamilya.

THE FAMILY FEUD. Pito lahat ang magkakapatid na Barretto.

Ito ay sina Mito, Michelle, Jay-Jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Hindi na bago ang away ng magkakapatid, partikular na sa pagitan nina Gretchen, Claudine at Marjorie—na pawang pumasok sa showbiz.

Ngunit pinakamalubhang nangyari sa kanilang pamilya ang alitan nila noong 2013.

Noong panahong iyon, nasa panig ni Gretchen sina Mito, Jay-Jay, Michelle, at Marjorie.

Samantalang ang natira lamang na kakampi ni Claudine ay ang kanyang Ate Gia, bukod sa kanilang amang si Miguel Barretto at inang si Inday.

April 22, 2013, lumabas ang open letter ni Inday laban kay Gretchen sa kolum ni Ricky Lo sa The Philippine Star, kung saan sinabi nitong sinungaling ang kanyang pang-limang anak.  

Nag-ugat ang sulat ng Barretto matriarch sa pagpanig nina Gretchen at Jay-Jay, kasama si Marjorie, sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago.

Kasagsagan ito ng court battle nina Claudine at Raymart, at tila nasaktan nang husto ang aktres sa ginawa ng mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inakusahan pa noon ni Gretchen na adik diumano ang kanilang bunsong kapatid at nais daw nila itong ipasok sa rehab.

Kasunod nito, dinipensahan naman ni Jay-Jay si Gretchen noong April 24. Sinabi nitong kasinungalingan ang sinabi ng ina laban sa kapatid.

Si Gretchen daw ang tumulong sa kanilang pamilya noong pumasok ito sa showbiz.

Dagdag pa ni Jay-Jay, hindi nagbanta si Gretchen na ipadadampot si Claudine upang puwersahang ipasok sa rehab.

Read: PEP EXCLUSIVE Jay-Jay Barretto: “You want to fix this family, fix Claudine”

April 26, si Gia naman ang nagpadala ng sulat kay Gretchen, sa pamamagitan pa rin ni Ricky Lo.

Sinabi niyang labis silang nasaktan sa mga salita ni Gretchen, na kung ilarawan niya ay “vicious, below the belt, and so evil.”

Ayon pa kay Gia, si Claudine ang tumulong sa kanilang pamilya at hindi si Gretchen.

Sa huli, sinabi pa ni Gia, “I echo mom’s words, ’Stop it.’ We get it. We know you don’t want us so please hear us now... ’We do not want you, too.’

"Please stop hounding us like an attack dog. We will admit defeat if you just leave us in peace.

“Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please.

"Enough is enough! Leave us alone. Leave my family alone.”

Read: Gia Barretto-Reyes tells sister Gretchen: "Just totally disappear from our lives without leaving a trail of vile and misery. Please."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN