Former actress Girlie Sevilla offers to help Magnifico co-star Jiro Manio

IMAGE Melba Llanera / Gorgy Rula

Girlie Sevilla is the daughter of Violet Sevilla, owner of the now defunct Violett Films that produced the multi-awarded movie Magnifico, which launched Jiro Manio fame. Now, the family is offering help to the beleaguered actor.


Bukod kay Ai-Ai delas Alas, may iba pang nais tumulong sa dating child star na si Jiro Manio upang makapagbagong buhay.

Isa na rito ang pamilya ni Violet Sevilla, ang may-ari ng Violett Films na nag-produce ng 2003 film na pinagbidahan ni Jiro—ang Magnifico.

Kasama rin sa cast ng award-winning film, na idinirek ni Maryo J. de los Reyes, ang anak ni Madam Violet na si Girlie Sevilla.

Ayon kay Girlie, napalapit na si Jiro sa kanilang pamilya at handa rin silang magbigay ng tulong dito.

Pahayag ng dating aktres, “Family na kami, baby brother na si Jiro sa amin…

"We really wanted to take si Jiro sa amin.

“We’re so blessed din naman na si Ms. Ai-Ai was the one who got him in.
 
“Actually, I just got updated… nagpapa-update lang din talaga kami.

“I found out few hours ago na okay siya, nakalabas siya."

Dagdag ni Girlie, "We’re still not closing doors to help him."

Pero hindi pa raw sila nagkakausap ni Jiro.
   
“Hindi pa, kasi diresto siya sa rehab, so wala talagang chance na makausap siya.

“But right now na open na uli, baka puwede na kung ready na siya, open na siya.

“If given the chance na puwede kaming mag-usap… what he really wants in life.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Girlie, na isa na ring businesswoman, sa presscon ng Timeless Health and Beauty product launch, sa Ibarra Gardens, sa may Malate, Manila.

POSSIBILITY. Marami ang nanghinayang nang magsara ang Violett Films, na naging aktibo sa pagpuprodyus ng pelikula noong 2002 hanggang 2005.

Maliban sa Magnifico, ang iba pang pelikulang iprinodyus ng Violett Films ay ang mga sumusunod: Cass & Cary: Who Wants To Be A Millionaire?, Sa Piling ng mga Belyas, at Lisensyadong Kamao.

Ayon kay Girlie, may plano silang buhaying muli ang kanilang film production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako ay medyo nagbabalak… pero hindi ako sobrang yaman.

“I would love to because, you know, sa situation ngayon, 'no, with social media, lahat ng klaseng medium for marketing, mas malaki ngayon, mas maluwag.

“Yes, we are considering, we are thinking about it, praying about it. Lahat ng moves ko, prayers.

“After naman Magnifico, we had several projects.

"Nung time naman na yun, compared to now, magastos.

“Iba yung demand, paano ka gumawa ng film, paano masu-sustain… we were very challenged.

“Wala pa kaming masyadong alam, hindi pa namin masyadong kabisado ang industriya.

“Ngayon siguro, kung nagkaroon ng pagkakataon, maiiba kahit papaano.”
 
FORMER ACTRESS. Noong aktibo pa siya sa showbiz, si Girlie ang gumanap na Gurna sa original Encantadia (2005).

Bukas ba siyang bumalik sa showbiz kahit nakapasok na siya sa corporate world?

Tugon niya, “Wala akong offers sa TV.

"I was so blessed I was given the chance and a break dito sa corporate world.

“I’m very blessed because there are people sa likod ng kamera na naniniwala na hindi lang ako basta artista.

“Na mayroon din tayong chance na mag-grow sa buhay, na may ilalabas pa akong potensiyal.

“I’m very open, walang closing of doors. Walang offers, but of course I would really love to.

“Minahal ko naman talaga ang show business."

Dagdag ni Girlie, “At the same time, dahil nanay na ako, isa akong single mom, siyempre may gusto akong ibahagi sa anak ko.

“My daughter just turned eleven nung May. I’ve been a single mom for eleven years.”

Ang ama ng anak ni Girlie ay ang dating boyfriend at dati ring aktor na si Marky Lopez.

Masaya naman daw siyang maayos na ang samahan nila ni Marky.
   
“Yes, technically, I don’t know how I passed all the tests of life, but there are good people sent by God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“These people really taught me a lot, how to become a better person than I was yesterday.

“Of course, I’m really blessed with my mom kasi yung mommy ko talaga ang aking training ground.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN