Super Tekla breaks silence on sudden exit from Wowowin

IMAGE Magpakailanman / Wowowin on Facebook

Umaasa ang komedyanteng si Super Tekla na mabibigyan siya ng ibang pagkakataon sa ibang show matapos siyang mawala sa Wowowin ni Willie Revillame. 


Lagpas dalawang linggo nang hindi napapanood sa Kapuso variety-game show na Wowowin ang komedyanteng si Super Tekla, o Romeo Librada sa totoong buhay.

May ilang haka-haka ang lumabas tungkol sa pagkawala niya sa programa.

Isa na rito ang tinanggal diumano siya ng host at producer ng Wowowin na si Willie Revillame dahil palagi raw siyang late.

Minsan pa nga raw ay pumapasok itong hindi pa naliligo dahil galing umano sa casino.

Malakas daw magsugal ang komedyante kaya napupunta raw sa wala ang kinikita nito.

Ngunit walang makapagkumpirma kung ano ang katotohanan sa isyung ito.

Ilang araw nang sinusubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Super Tekla, ngunit hindi niya kami sinasagot sa text at nakapatay ang telepono nito.

Nagpadala rin ang PEP ng mensahe, sa pamamagitan ng direct messaging sa Twitter, sa co-hosts niya sa Wowowin na sina Ariella Arida at Donita Nose, ngunit hindi rin sila sumasagot sa aming mensahe.

JOURNEY ENDED. Hanggang nitong Huwebes ng gabi, July 6, binasag na sa wakas ni Super Tekla ang kanyang katahimikan tungkol sa pagkawala niya sa Wowowin.

Sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi niyang tapos na ang kanyang “journey” sa show ni Willie.

Wala rin daw siyang hinanakit sa kanyang pagkawala sa show, kundi pasasalamat lamang kay Willie na nagbigay ng break sa kanya.

Pahayag ni Super Tekla, “My journey in Wowowin is totally ended!!!

“WALA AKONG HINANAKIT SA PUSO KO BAGKOS LUBOS AKONG NAGPAPASALAMAT KAY KUYA WIL.

“SA NARATING KO AT SA CHANCE NA BINIGAY NYA SAKIN MARAMING AKONG NATUTUNAN, LALONG LALO NA INILAPIT NIYA AKO SA 'masa.'"

August 2016 nang maging contestant si Super Tekla sa segment ng show na "Wil of Fortune," at dito ay nakitaan siya ng potensiyal ni Willie na maging co-host niya.

Kalaunan, naging patok ang tandem nila ni Donita na DonEkla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Super Tekla sa kanyang Facebook post, “BUONG BUHAY LILINGUNIN KO PAMBIHIRANG PAGKAKATAON NA BINIGAY SA AKIN NG PROGRAMANG WOWOWIN…

“SANA PO PATULOY KAYONG SUMUPORTA SA PROGRAMANG ITO!!!

“IN GODS WILL NA RIN PO SIGURO KUNG BAKIT NAGWAKAS ANG JOURNEY KO PARA MAG BUKAS NG PANIBAGONG YUGTO NG BUHAY KO.

“MARAMING SALAMAT SA HALOS ISANG TAONG PAGSUBAYBAY SA AKIN WAG PO KAYONG MALUNGKOT, LAHAT NG MGA FANS SUPPORTERS AT MGA NANINIWALA SA TALENTONG NAIBIHAGI KO SA BAWAT PILIPINONG KAPUSO SAAN MANG SULOK NG MUNDO!!!

“MAHAL NA MAHAL KO KAYO HANGGAT DYAN KAYO DI PO AKO MAPAPAGOD MAGHATID NG NGITI, SAYA!!!

“KUNG IAALIS MO ANG POOT, AT GALIT, SA PUSO MO PAGPAPALAIN KA NG DIYOS MARAMING SALAMAT BOSS WIL. “

“MORE POWER WOWOWIN GOD BLESS US ALL!!!

“AT SA LAHAT NG KAPUSONG NAGMAMAHAL SA PROGRAMANG WOWOWIN SAAN MAN SA MUNDO!!!"

Sa kanyang Facebook live naman ngayong Biyernes, July 7, nangingilid ang luha ni Super Tekla nang sabihin niyang: “Sobrang masakit sa akin na mawala ako sa Wowowin.”

Pero hindi sinabi ni Super Tekla sa kanyang Facebook post at Facebook live ang tunay na dahilan kung bakit siya nawala sa Wowowin.

Humingi rin siya ng suporta upang panoorin ang kanyang guesting sa Magpakailanman ngayong Sabado, July 8, sa GMA Network.

Umaasa si Super Tekla na ito ang magbibigay ng iba pang oportunidad sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN