Jake Ejercito and Andi Eigenmann agree to settle custody petition

IMAGE Allan Sancon / Noel Orsal

Maganda ang kinalabasan ng paghaharap ng dating magkasintahang sina Jake Ejercito ay Andi Eigenmann sa pre-trial ng child custody case na isinampa ng una para sa kanilang five-year-old daughter.


Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na maganda ang kinalabasan ng paghaharap ng kanyang kliyenteng si Jake Ejercito at ng ex-girlfriend nitong si Andi Eigenmann sa pre-trial ng child custody case na isinampa ni Jake para sa kanilang five-year-old daughter.

Naganap ang paghaharap ng dalawa sa sala ni Judge Cesar Sulit ng San Juan Regional Trial Court noong June 22, Huwebes.

Salaysay ni Atty. Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam niyo po, si Jake flew all the way back from Singapore.

"Nag-aaral po siya roon, hanggang Agosto pa ang kanyang classes.

“Bumalik siya rito para magkaroon ng paghaharap.

"At nandun naman po si Ms. Andi Eigenmann, dumating kasama ang kanyang abugado.

“Nandun din po si Ate Laarni [Enriquez, Jake’s mother].

“At sa pamamagitan nga po at effort ng aming huwes ay nagkasundo po sila.”

Patuloy ng abugado ni Jake, “Masaya po ang nangyari… pero hindi ko lang po puwede mabigay ang mga detalye, ‘no.

“Pero suffice it to state, yun pong kasunduan, both parties ay masaya, at ito ay katanggap-tanggap sa bawat panig.

“Sa pagkakataong ito ay matagumpay naman ang ginawa po ni Judge Sulit, sapagkat happy po, masaya po ang bawat panig sa kinahinatnan nito pong pag-uusap at pagkakasundo.”

Dahil sa gag order, ayaw ibigay ni Atty. Topacio ang buong detalye ng napagkasunduan ng kampo nina Jake at Andi.

Pero tanggap daw ito ng dalawang panig at magpipirmahan na raw sila.

Saad niya, “Binigyan po kami ng kopya nung pinagkasunduan, ito ay immediately effective na po, ngunit sa July 24 po ay babalik po yung mga parties upang lagdaan yun pong agreement.

“Pero yun ay formality na lamang. Pagkatapos po nilang lagdaan yun ay i-dismiss na po yung kaso.

“Para sa akin, nakuha na po namin yung aming hinahangad, at yun pong nasa side ni Ms. Andi Eigenmann ay okay naman po siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CIVIL WITH EACH OTHER. Ayon pa kay Atty. Topacio, nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Jake at Andi, pero civil lang daw sila sa isa’t isa.

Naging magalang din daw si Andi sa ina ni Jake na si Laarni.

“Ang pag-uusap po nila ay yung pagpapalitan lang po ng opinyon sa korte.

At maganda naman po, very civil, hindi sila nag-away, maayos po ang pag-uusap.

“Nung nagkatapos na po ay si Andi Eigenmann ay nagbeso-beso kay Ate Laarni, pero parang nagkamayan lang sila ni Jake.

“Okay naman at maayos naman ang usapan.

“Nung naghiwalay sila ay mukhang maaliwalas naman ang mukha nilang pareho.

“Masasabing tapos na po ang isyu, at inaasahang wala nang palitan ng di magagandang pahayag sa social media."

Dagdag pa ni Atty. Topacio tungkol sa kanyang kliyente, “Masaya po siya, sapagkat after that ay kumain kami sa restaurant ni Jerika, yung Maria Maria, masaya po siya.

“Kinabukasan po niyan ay bumalik na siya sa Singapore, and I’m sure bumalik siyang masaya.

“Dahil si Ellie naman po talaga ang iniintindi ni Jake, e, yung best interest ni Ellie.

“At least po ngayon, without going to the details, magiging bahagi na talaga si Jake ng buhay ni Ellie, at wala na pong magiging question na siya nga ba ang ama ni Ellie.

“Both parties ay acknowledged na po yun. Wala na pong pagtatalo dun… wala na yung Albie Casiño, o kung sino sino man.

“Tapos na po yung isyu na yun.”

FINANCIAL SUPPORT. Hindi na rin daw isyu ang suportang dapat ibigay ni Jake sa bata dahil napagkasunduan na ito sa korte.

Sabi ni Atty. Topacio, “Napag-usapan naman po, at mula’t sapul naman po ay may suporta naman po si Ellie.

“At ngayon po, kung ano man yung dating suporta ay pinalawig na po at nandun na po sa agreement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman pong problema kay Jake kung ano man ang dapat gampanan na mga tungkulin  pagdating sa pananalapi bilang ama.

“Actually, yun lang naman po ang hangad ni Mr. Jake Ejercito na maging klaro po, black and white, yung karapatan niya bilang ama, at siyempre yung karapatan din ni Ms. Andi Eigenmann bilang ina rin ng bata.

“Yun lang naman po ang habol po, and I’m sure yun din ang habol ni Ms. Andi Eigenmann sapagkat siya yung ina nung bata.

“And I’m very happy for Ellie na mawala na po ang lahat ng friction.

“At totoo naman po ang sinasabi sa Bibliya na kung saan nasusulat na pinagpapala ang mga tagapamayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.”


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Andi on Jake and family:
Andi on Jake and family: "Basura lang tingin nila sa akin."
Jake to Andi:
Jake to Andi: "Please stop making it about you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN