Nadine Lustre on live-in issue with boyfriend James Reid: "If that was true, so what?"

IMAGE Instagram @nadzlustre

Nadine Lustre's noncommittal answer on live-in issue about her and boyfriend James Reid: "If that was true, so what? It's not new anymore. Like, there are younger couples na mas young pa sa akin na [nagli-live in]. It's normal na, e. Come on, guys! It's 2017."


Aminado si Nadine Lustre, 23, na may kumakalat na espekulasyong nakatira na sila sa iisang bahay ng boyfriend niyang si James Reid, 24.

Pahayag ng Kapamilya actress, "Yeah, yeah, I've heard it so many times na.

"I'm not gonna confirm, and I'm not gonna deny. But then, ano naman?"

Naungkat ang usap-usapang nagli-live in na ang magkasintahan matapos kumalat sa social media ang pahayag ni Paolo Tiongson, ang music producer ni James na nagsabing magkatabing natulog ang aktor at girlfriend nitong si Nadine sa out-of-town music video shoot ng "Cool Down."


Sa panayam ng TV Patrol kahapon, Hulyo 7, iginiit ni Nadine na hindi isyu kung totoo mang magka-live in sila ni James.

"I mean, I'm not being rude naman. If that was true, so what?

"It's not new anymore. Like, there are younger couples na mas young pa sa akin na [nagli-live in]."

Bahagyang natatawang dugtong ni Nadine, "It's normal na, e. Come on, guys! It's 2017."

Anong reaksiyon ni James sa isyung nagli-live in sila?

Sagot ng aktres, "Wala naman siyang [sinabi]. Alam mo, I'm actually jealous of him.

"Kasi kapag may ganyan, siya yung, 'Bahala kayo diyan.' Let's all be just open-minded."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN