Cavite court dismisses Reckless Imprudence Resulting to Homicide case against Richard Gutierrez

IMAGE Noel Orsal / File

Silang-Amadeo Municipal Circuit Trial Court ruled on June 30 that the Reckless Imprudence Resulting to Homicide case filed by Lorayne Pardo, widow of Nomar Pardo, against actor Richard Gutierrez be dismissed. The court said, "The Prosecution miserably failed to prove the guilt of the accused beyond reasonable doubt."


Ibinasura ng Silang-Amadeo Municipal Circuit Trial Court ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide laban kay Richard Gutierrez.

Ang kaso ay kaugnay sa pagkamatay ng kanyang personal assistant na si Nomar Pardo nang maaksidente ang sports car na minamaneho ng aktor noong May 22, 2009, sa Silang, Cavite.

Base sa siyam na pahinang desisyon na inilabas at nilagdaan ni Judge Maria Luwalhati Cruz noong June 30, 2017, ibinasura ang kasong isinampa laban sa aktor sa mga sumusunod na dahilan:

“[T]he Prosecution miserably failed to prove the guilt of the accused beyond reasonable doubt.

“Likewise, during the testimony of the lone prosecution witness, no receipt was submitted or identified and the prosecution failed to submit their Formal Offer of Evidence, thus, there could be no basis for any civil liability.

“Finally, it remained uncontroverted that no prosecution witness took the witness stand to attest to this Court how the incident which resulted to the loss of life of Nomar Pardo happened.

“The lone testimony of the prosecution witness is wanting in material details and did not sufficiently establish that the accused precisely committed the crime charged against him.”

Sa huli, nakasaad sa desisyon: "[T]he case against accused Richard Gutierrez y Rama is hereby DISMISSED."

THE LONE WITNESS. Ang tinutukoy na “lone prosecution witness” sa kasong ito ay ang asawa ni Nomar Pardo na si Lorayne Pardo.

Sa kanyang testimonya nito lamang March 7, 2017, sinabi ni Lorayne ang mga sumusunod:

* na siya ang biyuda ni Nomar

* na siya ang nagsampa ng complaint-affidavit para sa Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Office of the Provincial Prosecutor of Cavite

* wala siya sa loob ng kotse o sa pinangyarihan ng aksidente at hindi niya mismo nasaksihan kung paano minaneho ni Richard ang sasakyan na ikinasawi ng kanyang mister.

Ang kopya ng desisyon ng kaso ni Richard ay ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang source, na nakiusap na huwag ilabas ang kanyang pagkakakilanlan, sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Sabado, July 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHARGE SHEET. Sa mga naunang report dito sa PEP, dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sports car na minamaneho ni Richard, tumilapon mula sa likod na salamin ng kotse ang katawan ni Nomar, na nakaupo sa back seat.

Nakaligtas ang aktor, na siyang may hawak ng manibela, pati na rin ang katabi niyang bodyguard.

Agad daw lumabas ng sasakyan ang dalawa upang hanapin ang katawan ni Nomar, ngunit hindi nila ito nakita sa sobrang dilim. Ala-una ng madaling-araw naganap ang aksidente.

Pagdaan ng van ng GMA-7 ay dinala ang dalawa sa ospital.

Matapos ang halos isang oras, saka lamang nakita ang katawan ni Nomar, na sampung metro ang layo mula sa kinaroroonan ng sports car ni Richard, at nadala sa ospital.

Dead on arrival ang kinahantungan.

Ayon sa charge sheet, "overspeeding" ang itinuturong dahilan ng pagkakabangga ng sports car ni Richard sa isang poste ng PLDT at tatlong puno ng niyog sa Sta. Rosa-Tagaytay Road noong May 22, 2009.

Nakasaad sa charge sheet, "[Gutierrez], being the driver, in-control and in-charge of a Nissan GT-R sedan... willfully, unlawfully and feloniously managed without due regard to traffic laws... by driving the said motor vehicle at speeds grossly in excess of the limits allowed by law [bumped] a Meralco concrete post and three coconut trees with tremendous impact causing multiple injuries to... Nomar Pardo y Estes which resulted to the latter's untimely death to the damage and prejudice of his heirs."

Sa mga pahayag ng mga Gutierrez sa iba't ibang programa sa telebisyon, pinabulaanan nila na nag-overspeeding si Richard kaya nangyari ang aksidente.

Ngunit ayon sa mga prosecutor, "But in this case, evidence clearly showed that the respondent did not exercise proper prudence and slow down as he approached the curve way.

"The distance of the car from the point of impact, the broken trees, and broken Meralco post all point to the fact that the respondent was reckless and negligent while driving that night."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng mga prosecutor, nagtrabaho raw si Richard mula alas-singko ng hapon hanggang lagpas hatinggabi, bago maaksidente sa sinasabi nilang madulas na kalsada dahil sa masamang panahon.

"[The prosecutor's office] also took into consideration the road condition where the incident happened, a curve way. A prudent man would slow down while driving in a curve way," ang saad nila sa charge sheet.


Stories We Are Tracking

(UPDATED) Richard Gutierrez caught in car accident
(UPDATED) Richard Gutierrez caught in car accident
Richard Gutierrez after the accident:
Richard Gutierrez after the accident: "I am completely healed."

CASE HISTORY. Noong September 2009, sinampahan ng Office of the Provincial Prosecutor ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Richard.

Inakyat sa municipal trial court ang nasabing kaso na halos dalawang buwan ding inimbestigahan mula nang magsampa ng reklamo si Lorayne Pardo, biyuda ni Nomar, noong July 23, 2009.

Matapos isampa ni Lorayne ang kaso laban kay Richard, dalawang beses itong ibinasura ng Department of Justice (DOJ).

Unang ibinasura ng DOJ ang kaso laban kay Richard nung Marso 1, 2010. Ang DOJ ay pinamumunuan noon ni Secretary Agnes VST Devanadera.

Noong Marso 22, 2010, nagsumite ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Lorayne sa DOJ, na pinamumunuan na ng pumalit kay Devanadera na si Secretary Alberto Agra.

Ngunit muli itong na-dismiss ng DOJ, sa ilalim ni Secretary Agra, noong Mayo 28, 2010.

Ayon sa desisyong inilabas ng DOJ noon, wala raw silang nakitang “cogent reason to alter or modify, much less reverse, our findings.”

Nang panahong iyon, sinabi ng kampo ni Lorayne na ang desisyong iyon ay na-anticipate na nila.

Matapos nito, muling inakyat ng mga abugado ni Lorayne ang kaso sa Court of Appeals.

At makalipas nga ng dalawang taon ay nagdesisyon na ang Court of Appeals na baguhin ang naging desisyon ng DOJ.

Nakalagay sa resolusyong inilabas ng Court of Appeals, na may petsang July 19, 2012, na “sufficient” ang basehan ng pagpa-file ng naturang kaso laban sa Kapuso actor.

“All told, we hold and so rule that probable cause sufficient to warrant the filing of a case for reckless imprudence resulting in homicide under Article 365 of the Revised Penal Code against private respondent, Richard Rama Gutierrez, has been established.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayundin, “annulled” at “set aside” din daw ang mga unang resolusyon ng DOJ, na nagbabasura sa kasong isinampa ni Lorayne laban kay Richard.

At pagkalipas limang taon, nagedisyon ang Silang-Amadeo Trial Court na i-dismiss ang kaso laban sa Kapamilya actor.


Stories We Are Tracking

<strong>FIRST READ ON PEP: </strong>DOJ dismisses Reckless Imprudence Resulting in Homicide case against Richard Gutierrez; Nomar Pardo's widow clueless
FIRST READ ON PEP: DOJ dismisses Reckless Imprudence Resulting in Homicide case against Richard Gutierrez; Nomar Pardo's widow clueless
<strong>(PART I) </strong>Lorayne Pardo on DOJ's dismissal of her case against Richard Gutierrez:
(PART I) Lorayne Pardo on DOJ's dismissal of her case against Richard Gutierrez: "Parang namatay ulit si Nomar."
DOJ denies Motion for Reconsideration in dismissal of Richard Gutierrez's
DOJ denies Motion for Reconsideration in dismissal of Richard Gutierrez's "reckless imprudence" case
Court of Appeals orders reopening of
Court of Appeals orders reopening of "reckless imprudence resulting in homicide" case against Richard Gutierrez


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN