Liza Diño unfazed by latest MMFF execom resignation: "Kailangan hindi tayo tumigil."

IMAGE Liza Diño-Seguerra Facebook

In light of the latest resignation of MMFF execom member Ed Lejano, FDCP Chair Liza Diño-Seguerra says"As what I've said, I will stay because somebody has to stay. I will not give up. Kailangan hindi tayo tumigil."


Kagabi lang ibinalita ng FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra sa programang Showbiz Talk Ganern ng DZRH na nag-resign na rin daw ang isa pang miyembro ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival na si Ed Lejano.

Hindi lang daw niya alam ang iba pang rason, at hindi pa raw sila nakapag-meeting uli, pero kagaya rin daw ito ng sentimyentong inilabas ng tatlo pang miyembrong unang nag-resign na sina Rolando Tolentino, Ricky Lee at Kara M. Alikpala.

Aminado si Liza na mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon pagkatapos na-announce ang apat na official entries ng MMFF 2017.

Hindi raw talaga madali ang magpasiya at magkaroon ng iisang desisyon dahil mula sa pagkakaibang pananaw ang bawat miyembro ng Executive Committee.

“Siyempre when you come from the creative side, hindi mo talaga iniisip na kailangang kumita 'to.

“And even if you are considering that, hinding-hindi mawawala yung emphasis on artistic excellence.

“Siguro nagkaroon ng mga conflicting views.

“Nagkaroon ng iba’t ibang pananaw within the board.

“E, alam naman natin yung composition ng board.

“As per law, kung naayon sa batas, e composed ng senator, ng congrees, may mayor, beneficiaries even PNP nandun,” pahayag ng FDCP Chair.

COMMERCIAL VS. ARTISTIC. Hindi raw ganung kadali na pagtagpuin ang may gusto ng commercial o maituturing na art film para maging bahagi ng MMFF ngayong taon.

“Naiintindihan naman natin na sa industriya ito, hindi puwedeng mawala ang commercial, pero nandun ang emphasis on quality.

“Siguro hindi nagkakaintindihan talaga within the committee, and hindi natin masisisi na bilang isang member ng film industry or one of the creative side.

“It’s hard to... ang hirap sa puso yun, e.

“Yung araw-araw pag pumupunta ka sa Executive meeting, isipin mo yun ang challenge sa 'yo kung paano mo siya haharapin, di ba?” hinaing nito.

“I would say as a collegial body, pagkatapos ng meeting, may respeto sa nangyayaring proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero do we always agree? Of course not!

“It’s always a matter of…basta mailagay namin on the table kung ano talaga yung... kung ano yung pinapangarap ng bawat isa.

“So it’s hard na yung pinanggagalingan ng bawat isa, yung agenda ng bawat isa, nandiyan.

“Kumbaga, ang hirap talaga kasi pinipilit, e.

“And we need…without reference to... wala akong ini-imply dito, kailangan ng leader.

“Kailangan ng namumuno na talagang malakas ang vision, at talagang naniniwala na kailangan ipatupad ang vision na yun.

“Para magkaroon ng mga decision na sa paningin niya makakabuti para sa lahat,” maingat pang pahayag ni Liza

SCRIPT SUBMISSION FEES JUSTIFIED? Sinagot din ni Liza ang inilabas ni Direk Erik Matti na isyu tungkol sa pagpili ng apat na commercial films at ang paniningil ng 30 thousand pesos sa bawat script na isinabmit.

Ipinaliwanag niya muna kung saan napupunta yung perang sinisingil sa bawat script na isinali.

Ani Liza, “Ang naging rule kasi ngayon para sa MMFF, wala kahit isang kusing na makukuha at mababawas doon sa revenue na nakukuha from the amusement tax ng MMFF.

“Kung ano man yung nakukuha na amusement tax, hindi nababawasan yun.

“Buung-buo siyang pinaghahatian ng mga beneficiaries.

“So ang tanong, saan tayo kukuha ng pondo para sa mga meetings, sa mga marketing efforts, sa lahat na pag-organize ng festivals?

“So, kailangan mo talaga ng pondo.

“So, ako, in that sense, I wanna be fair naman na yung perang yun, yun ang ginagamit na parang funds para sa organization nung mismong MMFF.

“Of course, siyempre binabayaran mo 'yan sa selection committee, binabayaran 'yan sa bawat pelikulang pinapanood nila.

“Sa meeting namin, binibigyan ng honoraria ang mga uma-attend, 'tapos yung mga marketing efforts na ginagawa, sa promotions ng mismong festival, of course, gumagastos din dun ang MMFF.

“In that sense, naintindihan ko kung saan galing yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADDRESSING ERIK MATTI'S CONCERN. Sinagot din ni Liza ang pagkuwestiyon ni Direk Erik tungkol sa pagpili sa unang apat na script na pasok sa Magic 8.

Paliwanag niya, “Yung sinasabi ni Direk Erik, siguro nag-uugat kasi siya doon sa mismong vision na sinasabi natin... nung sinabi kasi na kailangang i-marry yung artistic and commercial.

“Siguro dun sa lumabas na mga resulta, hindi siya akma… huwag nating sisihin yung mga pelikula because all the films were submitted, because they all believe that they want to entertain the Filipino audience.

“Pero kung meron kang vision na pina-follow at maraming nakaramdam na hindi siya akma, yung napipili sa vision na dapat na sumusunod, siyempre nagkakaroon ka ng mga negative reactions.

“Iyun siguro talaga ang nararamdaman ng lahat if the emphasis were put on entertainment.

“Sabihin mo mang quality commercial films or shall we say entertaining films.

“Siguro dapat ganun na lang, wala na yung artistic excellence kasi ibang usapan talaga yun.”

CATERING TO AUDIENCE'S TASTES. Inaasahan niyang ang apat na pelikula pang ipapasok ay maaring magbalanse para sa kagustuhan ng mga manonood.

Kung sasabihin mang apat na commercial at apat na indie films, wala naman daw masama roon ayon sa kanya.

“Ako, walang masama dun kasi dapat tayo magbigay ng iba’t ibang klaseng putahe at line-up para sa mga manonood, kasi iba-iba naman talaga ang gusto nilang panoorin.

“May nanonood ng pelikula para lang sa entertainment.

“May nanonood para magising ang kanilang kamalayan. For me, we have to take care.

“Kailangan sila may pantay-pantay na laban.

“If ever the last four entries will be going to be more on... yung andun yung artistic side, andun yung emphasis on excellence, I think siyempre alam naman natin na they’re still developing the audience
para manood sila ng ganitong fims.

“We have to take care of them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have to make sure na meron silang laban sa paglabas ng films sa December,” saad nito.

NOT GIVING UP. Buo ang desisyon ni Liza na hindi siya bibitaw.

Salungat man sa napagdesisyunan ang gusto niyang mangyari, kailangan pa rin daw niyang manatili sa MMFF Execom para sa ating industriya.

Deklara niya, “As what I’ve said, I will stay because somebody has to stay.

“I will not give up. Kailangan hindi tayo tumigil.

“Sana magising lahat, maintindihan lahat ang sentimiyento ng taumbayan, ng mga manonood, and sana we put a lot of consideration ang emphasis on what’s happening right now.

“That’s my appeal to the board, that’s my appeal to the members.

“Lahat kami dito naniniwala na iba iba ang pinanggalingan namin pero isa lang naman ang direksyon namin.

“Sana yung execution lang maging akma dun sa gusto naming direksyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN