Baron Geisler tests negative for drugs

IMAGE Baron Geisler Instagram

Controversial actor Baron Geisler posted his drug test results on his Instagram last July 6. He tested negative for methamphetamine and tetrahydrocannabinol use.


Pinost ng kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler ang result ng kanyang latest drug test sa kanyang Instagram account.

Nagpa-drug test noong nakaraang July 6 si Baron sa Citymedic Emergency Clinic and Diagnostic Center in Sta. Rosa Laguna.

Nagpa-test siya for methamphetamine and tetrahydrocannabinol substance.

Nitong mga nakaraang buwan ay nadawit na naman si Baron sa ilang mga gulo.

Kabilang na rito ang paghamon niya ulit sa aktor na si Kiko Matos na magharap ulit sila sa URCC ring.

May hinala ang marami na baka gumagamit na ng pinagbabawal na droga si Baron dahil sa kanyang unpleasant at erratic behavior.

CLEAN. Sa paglabas ng drug test ng aktor, pinost niya ito agad sa kanyang Instagramaccount bilang patunay na walang nakitang illegal substance sa kanyang katawan.

In short, negative ang drug results ni Baron.

Caption pa ng 35-year old actor: "Mukha lang ako goons pero malinis ito."

Umani ng iba't ibang comments ang post na ito ni Baron.

Karamihan ay natuwa at umaasa na tuluyan nang maging maayos ang buhay ng aktor.

SHOWBIZ COMEBACK SOON? May ilan namang gustong makabalik na sa trabaho si Baron dahil nanghihinayang sila sa husay nito bilang aktor.

Simula noong mabigyan ito ng sanction ng PAMI (Professional Actors Managers Inc.) dahil sa naging insidente sa shooting ng indie film na Bubog with Ping Medina, hindi na nabigyan ng trabaho si Baron sa TV at pelikula.

Huling napanood si Baron ay sa pelikulang Ma' Rosa. Sa TV ay huli siyang nag-guest sa Karelasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN