Jane Oineza denies relationship with Kyle Secades interferes with her showbiz career

IMAGE From Instagram account of Jane Oineza

Jane Oineza says she can balance love life with PBB ex-housemate Kyle Secades and her showbiz career. The two were together at the 2016 Star Magic Ball.


Matapos ang finale ng teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita noong 2015, tila nag-lie low si Jane Oineza sa kanyang career.

Bukod sa iilang guestings sa Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ay wala siyang bagong proyekto, na ipinagtaka ng mga tagahanga niya at maging ni Jane mismo.

Saad niya, “Actually, yun din yung question ko. Nag-aantay lang din ako.

“Pero yun nga, even though wala namang project, nakakatuwa rin na hindi naman ako nakakalimutan ng management. Binibigyan nila ako ng guesting.

“And of course, yung fans din, they’re always there to love and support me no matter what.

"So, yun yung sobrang ikinatuwa ko nung mga panahong wala akong project.”

Ayon kay Jane, hindi niya naisip lumipat ng network kahit nabakante siya.

“I trust ABS-CBN and I trust Star Magic.

“Sinasabi din nila sa akin to wait because the right time will come. That’s what I’m doing.

"I’m waiting and I’m trying to better myself while waiting para pag dumating na nga yung projects, ready na ako.

“Nagda-diet ako at nagwo-work out para laging fresh at happy.”

JANE'S LOVE LIFE. Umalma naman si Jane sa mga nagsasabing nadiskaril ang kanyang career dahil inuna raw niya ang love life.

Aniya, “I just want to say that even before I had a love life, wala na talaga yung projects.

"My love life really wasn’t a factor, kasi even before I had one, wala na talaga.

“Siguro naghahanap lang sila ng kahit anong maibabato or masasabi, but I know for a fact na hindi yun yun.”

Madalas silang magkasama ng dating Pinoy Big Brother 737 housemate na si Kyle Secades.

Ayon kay Jane, kayang-kaya naman niyang i-balance ang love life at ang showbiz career.

“Supportive rin naman si Kyle when it comes to my projects. Of course, I can balance things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa career at love life, abala si Jane sa pag-alaga sa kanyang ama na si Edwin Oineza.

Lahad ng aktres, “Na-stroke siya. He’s in the province right now, doing rehab to recover.

"Nag-uusap naman kami constantly sa phone.

“One time, he called me and natuwa ako.

"Kasi, di ba, pag na-stroke ka, yung pagsasalita mo nagiging slurred? Parang hindi ka makapagsalita nang maayos pag ganun.

“Natuwa ako nung nakausap ko siya kasi the way he speaks, maayos. Clear na.

"I’m happy he’s getting better."

NEW PROJECT. Sa digital conference ng bagong pelikula ni Jane, ang suspense-thriller ng Star Cinema na pinamagatang Bloody Crayons, kitang-kita na masaya si Jane sa bago niyang proyekto.

“Masasabi ko na this is a good time in my life.

"Yes, it is, kasi yung matagal ko nang ginagawang pelikula ay mapapanood na ng mga tao.”

Dalawang taon na ang nakararaan mula nang inanunsiyo ng Star Cinema nung April 2015 na gagawin niya ang Bloody Crayons, kasama sina Joshua Garcia at Manolo Pedrosa.

Matapos ang maraming pagbabago sa cast at script, ipalalabas na siya sa July 12, 2017.

Ayon kay Jane, “Ang dami-daming pinagdaanan ng pelikulang ito, so I’m happy na makikita na nila yung pinagkakaabalahan ko at yung hard work naming lahat.

'Hindi na nila masasabi na wala akong ginagawa.'

Excited si Jane na mapanood ng mga tagahanga ang pelikula, at dasal niyang sana ito na ang simula ng bagong yugto sa kanyang career.

“And yun, makaka-move on na ako from this movie and start working on something new and different.”


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga recalls creepy incident on Bloody Crayons set
Diego Loyzaga recalls creepy incident on Bloody Crayons set
Here's why Elmo-Janella replaced JoshLia in Bloody Crayons
Here's why Elmo-Janella replaced JoshLia in Bloody Crayons




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN